"Hindi nga ako galit!" Nakaupo pa rin kami sa slide na malaki. "Ang sinasabi ko lang naman, hindi mo dapat 'yun ginawa. Nag-mahal lang sila, what's so wrong with that?"
"You know what your problem is? You're too kind. Too kind to make that girl jealous of you."
"Heh! Hindi naman sa mabait, pero diba kailangan ko rin naman maintindihan yung side niya? Hindi ko alam kung ano ginawa ko sa kanya para magalit siya at oo, naiinis ako sa kanya, pero kasi... hindi naman siya magagalit kung walang dahilan, diba?"
"She's jealous."
"I doubt it, pero kung nagseselos nga siya, wala na tayong dapat pakielam. Let's not care, okay? If you want me to move on, let me accept and let go."
He smiled, "You know what? You're right, pero pag sinaktan ka pa niya ulit, I have to do what I have to do. Kaya nga tumayo na tayo dito kasi aka hinahanap na nila tayo. Wag ka ng magtampo." Tumawa siya.
"Niloloko mo na naman akooo!"
"Let's go Mia," Sabi niya. He stood up and offered his hand to me. Inabot ko naman yung kamay niya at hinila niya ako patayo. Instead of sliding, bumaba kami sa inakyatan namin.
Pumasok ulit kami sa loob at hinanap yung mga kasamahan namin, pero hindi namin sila mahanap. Whut?
"Baka nasa taas sila?" Tanong ko kaya umakyat kami sa taas, pero wala pa rin. Tinext ko sila Jess at Stephen, pero hindi sila nagrereply. Si Dale naman, he's calling his friends ata pero wala rin sumasagot. Nafufrustrate na nga siya.
"They're not answering," Sabi niya.
"Mukha nga," Sabi ko. "Hindi din sila nagrereply sakin!"
"Tingin mo may balak pa silang mag reply?" He asked sarcastically.
"Tingin ko? Wala," I sighed. Wala na silang balak magreply dahil tinakasan na nila kami.
"Okay. May project ka, diba? Let's continue it and then we eat outside with my family."
"Again?" I sighed.
"You're the one who said it, you're my girlfriend in front of my family. Do your job, miss."
"Opo na po," Sabi ko. Bumalik na kami sa universe gallery at nag picture picture. May isang nagaassist pa nga doon tapos napansin ata kami kaya nag volunteer siyang kuhanan kami ng picture together.
"Ay, hindi po kami mag boyfriend," Sabi ko.
"Sorry, she's just in denial," Sabi naman ni Dale kaya siniko ko siya. Ano ba naman 'tong lalaki na 'to! Ayaw makisama kahit kailan e.
Tumawa si Kuya at pinicture-an pa kami. Stolen shot! Ang sama ng tingin ko habang si Dale naman, tumatawa.