"You ready?" Tanong ni Dale. Actually, never ako magiging ready pero gusto ko na lang bumaba para matapos na lahat ng kabaliwan na 'to. Pati ang tagal na namin dito sa kwarto pero nag-away lang kami. Nanonood kasi siya ng NBA eh ang ganda ng palabas sa Star Movies. In the end, pinatay namin yung TV at nagkwentuhan na lang. 20 years old na pala siya. He's taking up engineering. Hindi halata! Tapos sabi niya, never pa siyang hindi na-DL?! Weh?
"Hind ko alam. Bahala na!" Sagot ko. Pag sinabi ko naman na hindi ako ready, wala pa rin naman akong magagawa. Bakit ba, Sir Dale yan eh.
Bago kami bumaba, tiningnan ko muna sarili ko sa salamin. Holy cooow! Parang hindi ako. May mga glitters glitters ako sa mukha at nagshshine din dress ko. Ang ganda! Paglabas namin ng guest room...
"Wait lang, wait lang," Sabi ko.
"Ano?"
Nag inhale exhale ako, "Tara."
Aalis na sana ako pero hinawakan niya kamay ko saka kami nag-lakad. Sorry na, girlfriend nga pala ang role ko dito, nakalimutan ko. Hindi naman kami exactly 9 PM bumaba kasi sabi niya, mas cool ka daw pag late ka. Late? Eh bahay nga nila 'to eh. Pagbaba namin, ang daming tumitingin.
"Ang daming tao," Sabi ko. Naloloka ako kasi puro mayayaman pala talaga ang family nitong si Sir Dale kaso hindi ko sila kilala. Sabi ni Dyan, famous daw si Dale. Hindi ko nga siya kilala eh, yung iba pa kaya?
"Masanay ka na," Sabi niya habang nakangiti.
Bumulong ako, "Anooo? Ayoko na kasi. Hindi na 'to mauulit."
"Tingnan natin," Nakangiti pa din siya tapos lumapit sa amin yung ibang family members. Nag kiss siya sa kanila at nag kiss din ako sa kanila. Pag may gathering, ganito din naman kami. Mas engrande lang yung sa kanila talaga. Pinakilala nga din pala niya ako sa kanila as her girlfriend sa mga aunties, uncles, and pati sa mga cousins niya.
"Nice," Sabi noong isang pinsan niya habang nakangiti at nakatitig sa akin.
"Stop it, Gian. She's mine," Sabi niya at inakbayan ako.
DEFINE POSSESSIVE!!!
"Chill, bro. Don't tell me, in love ka na talaga? Okay lang yan," Nakangiti pa rin siya at tinap si Dale sa likod.
Dale smirked, "Don't you fcking dare, Gian. I'm telling you," Saka siya nag poker face. "Let's go." Nakaakbay pa rin siya sa akin tapos lumakad siya kaya napalakad na rin ako. Si Gian naman, mukhang napahiya na natatakot pero nakangiti pa din.
Habang naglalakad kami, lumapit yung parents niya sa amin kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko makalimutan na pinastalk na nila ako! Nag beso beso kami...
"Thank you for coming, dear," Sabi ng Mommy niya.
"Oo nga, we thought you weren't coming. Kailangan pa namin pilitin si Dale," Sabi naman ng Daddy niya.