CHAPTER EIGHT

20.9K 568 38
                                    

"Seriously, what the fck is wrong with them?! Ang tanga tanga nila!" 

Galit na galit si Jessica after ko i-kwento yung mga nangyari kagabi at pati na rin kanina. Kanina ko pa siya pinapakalma pero lalo lang lumalala. Surprisingly, I feel better now. After ko sabihin lahat lahat, medyo okay na ako. Maayos na rin siguro ang pag-iisip ko. Pwede na siguro ako mag decide kung anong pwede kong gawin.

"I need to decide, Jess. Help me!"

He sighed while rolling her eyes, "Alam mo na yung sagot. Matagal mo ng alam yung sagot, Mia."

I nodded, "From now on, I won't talk to them anymore. For sure naman, babagsak ako sa Math ko e. After nito, hindi na kami magiging classmates ni Gerard. Ang saya nun, diba?" I sighed again. Stop it, Mia. Stop being sad. H'wag mong panghinayangan ang taong hindi ka naman kayang pansinin at kahit kailan, hinding hindi ka papansinin. For him, you're invisible.

Umuwi ako sa bahay ng masaya. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanila na may nangyaring hindi maganda dahil for sure, tatanungin nila ako at di titigilan. Worse comes to worst, tatanungin pa nila si Gerard. Ayoko mangyari 'yon.

"Okay ka lang, Mia?" Tanong ni Ate. "Masaya ba yung party?"

I smiled, "Okay lang." Sabi ko at dumiresto na sa kwarto.

Monday na. Pinasukan ko lahat ng classes ko maliban sa Math class ko. Babagsak na rin naman ako doon eh. Para lang akong nagpapatay ng malaking sunog pero isang timba lang ng tubig ang dala ko. Classmates kami ni Stephen sa lahat ng courses ko pero deadma lang ako. Hindi ko nga siya matingnan eh. Alam kong lasing siya kaya niya yun nagawa. Alam ko yun. Pero tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko. 

Paano kung hindi dumating si Gerard noong gabing yun? Paano kung walang dumating noong gabing yun? I shook my head. Hindi ko maimagine.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jess.

I nodded, "Wala 'to. Wag mo akong pansinin."

Oo nga pala, text ng text sa akin si Stephen at Gerard kahapon hanggang kanina kaya ang ginawa ko, pinatay ko na lang cellphone ko. 

"Mia," May humawak ng shoulder ko. Alam na alam ko kung kaninong boses yun.

"Stephen, wag muna tayo mag-usap, please? Not now."

"I- I'm sorry, Mia. I understand," Sabi niya. Nag-lakad na ako noong naramdaman kong nakaalis na siya. I need to go home. Kahit ako lang mag-isa yung uuwi ngayon, ayos lang. Kaya ko 'to. Matanda na ako! 

Patawid na sana ako ng daan nang may humatak sa akin. Pag tingin ko, si Gerard. Naka-shades siya ngayon at bagong gupit din. Ang bango niya. Kailangan ko pigilan sarili ko. Mia, control. Control. Kaya mo siyang tiisin! Kaya mo siyang iwasan. Kaya mong mag move on. Kaya mo yan!

"Bitawan mo ako pls," Hindi kasi ako makatawid.

"Ihahatid na kita," Sabi niya.

"No need. Kaya ko naman," Sabi ko pero imbis na bitawan niya ako, binuhat pa niya ako papuntang sasakyan niya. Ano ba 'to! Nakakahiya. Yung guard na nabadtrip sa amin dati, nabadtrip na naman ata ngayon pagkakita sa amin. Pagkasakay niya sa akin sa shotgun seat ng car niya, sinuot niya sa akin yung seat belt at nilock yung pinto ko. Siya naman, sumakay na sa driver's seat.

"Hindi ka pumasok ng Math class, pero pumasok ka pala buong araw."

Paano niya nalaman? Sino nag sabi sa kanya?

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Dahil ba sa nangyari kahapon?" 

Hindi ko siya sasagutin. Kailangan ko pigilan sarili ko.

"Mia, will you stop this?! Magkaibigan tayo, diba? Ano 'to? Hindi ako sanay ng ganito."

I snapped, "Hindi ka sanay? Ako kasi, sanay na sanay na. Sanay na ako... Pero Gerard, pagod na din ako. Simula high school, nasa tabi mo na ako. Lahat ng tao, alam na alam kung sino ang gusto ko... kung sino yung mahal ko... Ikaw lang ang hindi. Bakit? Kasi nga manhid ka. Bingi ka. Bulag pa nga eh. Kasi nandito lang naman ako pero kahit kailan, hindi mo ako papansinin. Bakit ulit? Kasi patay na patay ka sa best friend mo. Sorry, Gerard. Ayoko na," Sabi ko. Nakikipag-FO lang naman ako pero para naman akong nakikipagbreak.

Natulala siya. Yung dalawang fists niya, nakasara na. 

"Nagulat ka? Nagulat kang mahal kita? Pwes, tanga ka, Gerard. Ang tanga tanga mo! Ang tanga mo na nga, ang manhid manhid mo pa. Let's not talk again, please lang. Sawang sawa na ako magkaroon ng martyr syndrome. Sawa na akong masabihan ng martyr. Wala akong pake kung magalit ka kasi-"

He kissed me. I pushed him hard and slapped him.

"Ano? Rebound naman ngayon? Porkit alam mong mahal kita at kahit kailan, hindi ka papansinin ni Dy-"

He kissed me again pero sinampal ko ulit siya.

"STOP KISSING ME! Ayoko na mag-tanga tangahan. From now on, hindi na tayo friends," Sabi ko. Tinanggal ko yung seat belt at umalis na ng sasakyan.

Hindi ko akalain masasabi ko 'yon, fck! Fck, hinalikan niya ako. Fck! 

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon