Pag hindi mo kilala si Dale, iisipin mong wala siyang pakielam at sobrang chill niyang tao, pero behind his charming grins and smirks is a sentimental guy who believes in love and will do anything for the one he loves. He cares too much that's why he gets hurt a lot by the same people he cares about. I don't want to be like them, though. I don't want to hurt him.
"I'll take you to my spot," He said when I asked him where were we going.
"Your... spot?" I asked, really curious about his spot.
"Yes, my spot. We're here," After 1 hour, goodness! Bumusina siya at may nagbukas ng gate. Pinasok lang niya yung kotse. Lumabas kaming dalawa at binigay niya sa lalaki yung susi para ipark yung sasakyan. Yung lalaki, nakashirt lang at shorts na pambahay.
"Buti nakabisita ka, Dale," Sabi ng lalaki. "Girlfriend mo?"
Dale nodded, "Oo, chicks ba?"
"Galing mo talaga. Manang mana ka sa akin!" He looks like a middle-aged man.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Bungalow ang bahay, pero maluwang at mukhang luma, pero malinis. Color yellow rin ang mga ilaw. Ang daming paintings at antiques na mukhang mas mahal pa sa buhay ko.
"Nasaan tayo? Oo, alam kong nasa spot mo tayo, pero where exactly is this?"
"We're in Fairview, Quezon City, and this is my grandfather's house, but he's gone. Nag crash yung plane na sinasakyan nila ng lola ko. Pinamana nila yung bahay kay daddy, pero hindi naman napupuntahan. Ayoko rin naman ipabenta. I used to go here before I met you. Vintage and peaceful, right? I like this better than our house in Manila."
"Eh sino si manong kanina kung walang pumupunta dito?"
"Ah, I mean, walang pumupuntang family members. Natatakot sila, bad luck daw yung bahay, but I don't think so. My grandfather and grandmother lived here for 60 plus years and they had successful children."
"Yeah, and they have you," I smiled.
He smiled back, "Then I have you. Sayang lang dahil hindi ko sila napakilala sa'yo. Kung buhay lang sila, magugustuhan ka nila. Anyway, three people are staying here and taking care of the house. Si lolo pogi at lola ganda. Mag-asawa sila na nagaalaga sa bahay. May lima silang anak at isa doon si manong Pedro. Yung nakita mo kanina."
"At siya lang din ang hindi tumatawag sa'yo na si Sir Dale," I stated.
"Pati sila lolo pogi at lolo ganda. I didn't get to visit anymore, because I found my new spot."
"New spot?" Tumawa ako. Ang dami niyang alam!
Natigil ako sa sinagot niya, "You. You're my new spot, anywhere with you."
Pinakilala niya ako kila lolo pogi at lolo ganda. Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Ang sarap ng luto ni lola ganda, in fairness! Teenagers pa lang pala sila ni lolo pogi, tinulungan na sila ng lolo't lola ni Dale. Nakita nga nilang lumaki si Dale. Dati, tuwing hindi makatulog si Dale o kaya naman ayaw tumigil sa pagiyak, dadalin lang nila si Dale dito at tatahan na siya.
"But you haven't seen my real spot yet," Sabi niya after namin kumain. Ah, may real spot pala. Kailangan ko daw muna kumain dahil baka pag nakita ko yung spot niya, baka hindi ko na daw gustuhin umuwi.
Sa dulo ng bahay, may binuksan siyang pinto, "Huy, ano gagawin natin sa kwarto?"
"Do you think I'll do something to you? Alam ko naman na Maria Clara ka," Tumawa siya kaya hinampas ko siya. Bwisit na 'to!
"Si Maria Clara kilala mo, pero si Kuya Kim, hindi?"
"Come on, they're different!"
Tumawa lang ako. Pinapasok niya ako sa room at binuksan yung ilaw. Malaki yung kwarto at may king sized bed. Ang linis masyado. Ito pala yung master's bedroom, dating kwarto ng lolo't lola niya. Ang galing dahil nandito pa mga gamit nila kaso medyo natatakot ako.