CHAPTER TWELVE

23.4K 628 29
                                    

Lahat ng mga nangyari kahapon, hindi ako makapaniwalang nangyari lang ng isang araw. First, I confessed my feelings to Gerard and he kissed me. Ilang beses 'yon, FYI. Hindi na ako magkukunwari. Akala ko talaga yun na eh. Akala ko mahal din niya ako pero pag dating ko sa bahay... I got dumped and found out na sila na ni Dyan. Shet! 

Oh my damn life! After that, akala ko iiyak na lang ako ng iiyak. But then I ended up sleeping at someone's place and that someone told his parents that I'm his girlfriend. Great! Hindi naman ako pumayag pero goddamit, bakit feeling ko kahit hindi kami magkakilala, magkikita pa din kami?

"Thank you, Sir Dale. Let's not see each other again," Sabi ko sa kanya. Ayoko kasi talagang maging girlfriend niya. Kaya ko mag move on kahit walang tulong niya. Oo, inaamin kong nakatulong siya. Kahit binara niya ako ng binara, I felt better. Pero just because he helped me doesn't mean I'm going to agree with him. Truth to be told, ayoko muna makipagkaibigan sa mga lalaki ngayon dahil baka ma-fall na naman ako tapos hindi na naman ako sasaluhin o kaya naman ma-fall sila sa akin tapos di ko rin sila kayang saluhin.

"Sure, whatever you say," Sabi niya. See? Kagabi pa siya ganyan eh.

"Pero..."

"Just go inside and take care of yourself. I don't wanna get killed by your mom if something happens to you. And don't call me "sir" again. Are you even my maid?" 

"Pwede ba mag apply? Hehe joke," Sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin. Hindi ata siya marunong mag joke eh. Mukha pa naman siyang friendly. "Ay oo nga pala, bago ako pumasok sa car, pwede ba ako mag ask? One last na!" Sabi ko. Mukhang nakukulitan na siya sa akin. Haha!

He sighed, "What?"

"Bakit sobrang kamukhang kamukha mo yung dalawang brothers mo kagabi sa dining area niyo? Triplets ba kayo?" Tanong ko kasi sobrang kamukha talaga.

"We are, but I'm not like them."

Whoa, ngayon lang ako nakaencounter ng triplets sa buong buhay ko. Amazeballs!

"So sa inyong lima, ikaw lang ang naiiba?" Bakit ba sobrang curious ko?!

"Parang ganun na nga? Pumasok ka sa loob. Diba may class ka pa?" 

"Yes, meron pa kaya nga papasok na ako sa loob. Bye. Thanks ulit," Sabi ko at pumasok na talaga sa loob ng car. Hinatid ako ng driver nila sa bahay namin. Hindi na lang ako papasok ng morning classes ko at Math class na din. Yung afternoon na lang papasukan ko. 

Pag dating ko sa bahay, niyakap nila akong lahat. Hindi na nila ako tinanong kung bakit ako umalis kahapon. Hindi ganito ang ineexpect ko. Akala ko sisigawan ako o kaya naman grounded pero hindi. Pinagpahinga pa nila ako.

"Ayoko, papasok ako mamaya. May quiz kami eh," Sabi ko dahil totoo naman pero hindi na ako mag-aaral. Stock knowledge na lang, no? Magrerest na lang ako for a while tapos maliligo na at papasok. Malaki naman ang university. May possibility naman na hindi ko siya makita, diba? 

Pag dating ko sa school, si Jessica lang ang pinansin ko. Kinakabahan ako dahil baka may makita akong di kaaya aya. 

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon