Pagkaalis ni Dale, napanganga ako half dahil sa kanya at half dahil sa sarili ko. I almost kissed him, and I was the one who initiated it. Sobrang bilis ng tibok ng puso kanina hanggang ngayon. Hindi rin ako makapaniwala na siya pa yung lumayo. Ano bang ginagawa ko? Napailing na lang ako at pumasok sa loob ng room. Humiga ulit ako sa bed ko at binalot sarili ko sa kumot. Ang lamig kaya.
Malapit na ako makatulog ulit when Jess texted me...
Jess: Wala ka bang balak tumayo?
Me: Wala. Sleepy.
Jess: Magppaintball kami, ayaw mo sumama? And shooting?
Me: Sleep na lang ako. Sorry.
Jess: It's okay, I understand. Basta sa party later, di ka pwedeng di sumama.
Me: K, night.
Hindi pa naman gabi, trip ko lang mag-night. Gusto ko lang matulog ng matulog at takasan yung sakit. Yung sakit hindi dahil binasted ako ni Gerard, pero dahil sa ginawa niya kanina. Bakit kung makapagsalita siya, para kaming walang pinagsamahan? Nanghingi pa siya ng advice, hindi naman pala niya susundin. Siguro for now, hindi ko muna siya kayang maging kaibigan. Ayoko na muna.
"Miaaaaaaaaaa!" Inalog alog ako ni Jess. "Gumising ka na diyan. Please naman oh!"Dumilat ako and saw Jess, Wendy, and Vern in front of me. Kinuskos ko yung mata ko, at chineck kung may muta ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Have you forgotten na ba? We're gonna party," Sagot ni Vern na mukhang excited.
Humiga ulit ako, "Kayo na lang."
Hinila naman ako ni Jess, "Hindi pwede, buong araw ka na natutulog diyan. Ano? Depressed ka pa din? Ano ba, Mia! Aayusan ka na namin- I mean, nila kasi hindi ako marunong mag-ayos. Diba Wendy? Vern?" She smiled at them.
Hopeless din si Jess pagdating sa pagaayos eh, pero in fairness, babae ang bestfriend ko tonight. Naka-white dress siya and sandals. Si Wendy naman, naka-sun dress. At si Vern, naka-shorts and cropped top. Whoa, ang sexy nila lalo na si Vern.
"Jess told me na wala kang dalang beach party outfit so... Ta-duh!" Pinakita sa akin ni Vern yung isusuot ko. Natakot ako dahil baka pasuotin din niya ako ng cropped top, pero hindi naman pala.
Mas malala yung pinasuot niya sa akin. Bikini with netted see through top tapos short shorts. Pwede na akong mamatay, thanks. Nagbibikini naman ako, pero nasa dagat naman kami nun. Nasa lupa kami ngayon eh!
Ginawang messy curls ni Wendy yung baba ng hair ko tapos si Vern naman, nilagyan ako ng super light eyeliner, blush on, coral pink lipstick, at enhancer. After nila akong gawing barbie, sinuot ko na yung pinapasuot sa akin ni Vern.
Magkasing-size pala kami. Hindi ko inakala dahil ang payat niya. Mas matangkad ata ako sa kanya ng konti kaya mas umiksi yung shorts sa akin. May shorts naman ako, sana yung shorts ko na lang sinuot ko.
(A/N: Mia's outfit on the right side.)
"Sobrang pretty mo, Mia. Lalong maiinlove sa'yo si Dale," Wendy smiled habang nakatingin kaming apat sa salamin. Mukha kaming tanga, sa totoo lang. At anong lalong maiinlove si Dale? Confused pa nga yung tao at sana lang hindi magtuluy-tuloy.