Ang original plan ni Dale, mag plane na lang, pero sabi naming mga normal na tao, mas masaya kung sasakyan para joy ride. Feeling ko tuloy ang jologs namin ni Jess at Stephen! Although mayaman naman talaga si Stephen, pero he's simple. Si Dale kasi, kahit anong gawin niyang pagpapakasimple, lagi pa ring nangingibabaw yung pagkasosyal niya. He's not average.
"Sorry, we're late!" I shouted habang hinihingal at tumatakbo papunta sa kanila habang dala dala ko yung bagpack, mini pillow, at hand luggage ko. Nakawhite sando ako tapos denim blazer and shorts. I'm also wearing my favorite blue Tom's.
Wala naman talaga akong pake sa suot ko pag nasa school pero pag nasa outing, papagalitan ako ni ate at mommy pag mukha akong manang. I have to look good daw for the pictures though I have to be simple and be myself pa din daw. Daming alam, diba?
"Ang tagal kasi ni Mia kumilos!" Jess ranted.
"Wow! Sino kaya 'tong ang tagal maligo?" Sabi ko.
"Wow ka din! Sino ba 'tong matagal gumising?"
"Hindi 'yun importante. Ang importante, mas maaga akong natapos kumilos sa'yo," I said proudly and Jess just laughed and rolled her eyes. Nag sleepover siya sa amin kagabi. Pinaalam ko siya sa parents niya at yay, pumayag sila! Basta bantayan ko daw ng sobra si Jess. Nako! Eh mukhang siya pa magbabantay sa akin, e.
"Tama na yan," Sabi ni Jaxon. "Let's go."
I forgot to say, seryosong tao si Jaxon, pero pag bumanat siya, sobrang nakakatawa. Sa pagkakaalala ko, 4 years na sila ni Wendy, girlfriend niya. Si Wayne naman at Reggie, parehas na happy go lucky. Si Wayne, 6 months na silang exclusively dating ni Vernice habang si Reggie, sabi nila, stick to one pero sunud sunod. Ewan ko pero pag sila kasama ko o sila ang magkakasama, parang wala silang problema at puro kalokohan lang talaga.
"Bagay sa'yo outfit mo," Sabi ni Stephen sabay ngiti.
Nakita ko si Dale na halatang inaantok pa tapos ang grumpy ng mukha niya.
"Problema natin?" Tanong ko.
He shook his head lang tapos kinuha na mga gamit ko at nilagay sa sasakyan. Nilagay na din nila mga gamit nila sa van tapos pumasok na kami. Ito ngayon pwesto namin:
Driver' seat: Dale's bodyguard slash driver
Shotgun seat: Dale's bodyguard
Gitna: Stephen, Jess, Me, and Dale
Likod: Harvey, Wayne, and Vernice
Pinakalikod: Jaxon, Wendy, and Reggie
Hindi sinama ni Reggie yung girl niya dahil hindi ko rin alam.
"Okay ka lang?" I asked Dale.
He slightly smiled, "Yeah. Go to sleep."
I shrugged and just followed him. Natulog ako since inaantok naman talaga ako. Nagising lang ako dahil kailangan namin kumain tapos natulog na ulit ako. Hindi pa naman ako natutulog talaga, pero naramdaman ko yung kamay ni Dale. nilagay niya yung ulo ko sa shoulder niya at inakbayan ako para di ako matumba.