I am safe! Safe akong nakarating sa amin. Kahit medyo tulala ako dahil sa nangyaring halikan, walang nangyaring masama sa akin. Oo, inaamin kong nagustuhan ko yung halik niya sa akin pero dahil doon, mas lalo akong nainis sa kanya. Alam na nga niyang mahal ko siya pero hinalikan pa din niya ako at hindi lang isang beses ha. Mas masakit tuloy ngayon. Mas lalo ko tuloy siyang naaalala.
Pag pasok ko sa loob ng bahay...
"Why are you here?!" Gulat kong tanong na may halong galit. Bakit nandito si Gerard?! Hindi ko napansin na nandoon din pala si Ate. Pati si Mommy at Daddy na nasa ibang part ng house namin, pumunta sa living room dahil sa sigaw ko.
I cleared my throat, "I mean, nakakagulat ka naman. Bakit ka ba nandito?" I faked a laugh.
"Akala ko naman galit ka, anak. Sige, balik lang kami sa kusina," Sabi ni Mommy. After niya yun sabihin, bumalik nga naman talaga sila sa kitchen. Naaamoy ko na nga dinner namin. Gutom na gutom na ako!
"Usap tayo sa labas," Sabi ko kay Gerard. Binaba ko muna bag ko saka lumabas. Sumunod naman siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Ano, sasabihin mo na bang mahal mo din ako? Tapos sasaktan mo din ako? Ano, para lumala yung sakit na nafifieel ko ngayon? Ha?"
Umiling siya, "Nandito ako para mag sorry. Sorry, I kissed-"
"Ah, nagsosorry ka kasi hinalikan mo ako. Nagsosorry ka kasi pinaasa mo ako, Gerard? Nagsosorry ka kasi dati pa lang, umasa na akong mamahalin mo din ako? Kasi concerned ka sa akin, kasi sobrang maalaga mo, kasi ang sweet sweet mo. Ako din, nanghihingi ng sorry. Sorry kasi namisinterpret ko lahat ng 'yon. Sorry kasi feelingera ako. Sorry kasi dati, hindi kita kayang layuan kaya ngayon, nadamay ka pa sa inis at sakit na nafifeel ko ngayon. Sorry talaga," Sabi ko. "Pero hindi naman maibabalik ng "sorry" lahat eh. Nasabi ko na lahat. Alam mo na lahat. Ngayon, let me move on... Please."
"Sorry... Sorry, Mia. Kami na ni Dyan," Sabi niya.
I was shocked. Yung luha ko, tuluy-tuloy. Ano ka ba, Mia. Bakit ba gulat na gulat ka eh diba from the start, si Dyan naman talaga gusto niya? He likes- no. He loves Dyan.
Ikaw, sino ka ba naman?
"Noong isang araw... Umalis ka sa bahay. Pagkaalis mo, dumating siya. She confessed her feelings. Break na daw sila ni Harvey. Ayoko sana, respeto man lang kay Harv-"
I laughed, "Respeto? Do you even know that word?"
"Sorry, Mia. I'm really sorry."
I wiped my tears pero ayaw tumigil ng luha ko, "Congrats, then. Yan naman gusto mo, diba? Well, congratulations, Gerard. Congrats talaga," Instead of going inside, I ran away. Hinabol niya ako. Humarang ako sa taxi sa gitna. Pagkahinto nito, sumakay na ako sa loob.
50 pesos lang pala dala ko. Iniwan ko bag ko sa bahay.
"Kuya, bilis! Paandarin niyo na po. Kahit saan," Sabi ko.
Nakatingin lang sa akin si Kuya. Pag tingin ko sa gilid ko, may katabi pala ako. Sobrang sama ng tingin sa akin. Nakakatakot! Ang tulis, sobrang sharp. Mamamatay na ata ako.