He's mad! Alam kong galit siya, pero never naman niyang aaminin na galit siya. Wait nga, bakit naman siya magagalit? What did I do wrong?! Hindi naman kami. Wala naman something sa amin. Bakit ba parang niloloko ko lang sarili ko? Geez!
Dinala ako ni Zian sa mga officers. Sila na daw ang bahala sa akin. Meron naman silang first aid kit. Hindi umalis si Zian dahil talo na rin naman daw kami. Tapos na yung game at kami yung last kaya may parusa kami. Magchichicken dance kami mamaya sa talent show paikot sa bonfire.
"Paano si Mia?" Tanong ng isang officer. "Zian, can you carry Mia while chicken dancing?"
Zian just nodded. Patay na talaga.
Umupo muna ako sa table na may umbrella habang pinapanood yung mga members. Naiinggit ako. Gusto ko rin sumali sa kanila. Parang ang saya saya nila, pero hindi naman ako makapunta doon dahil sa sugat ko. Malaki kasi, pero hindi naman malalim. Masakit nga lang. Kasama ko yung isang officer ng outdoor club.
"You wanna surf?" Kuya Aldric asked. He's an officer. "Gagaling yan pag nilubog mo sa dagat."
Sobrang umiling ako, "Masakit. Wag na lang po."
Mukhang gusto niyang mag surfing, pero wala siyang magawa dahil wala akong kasama.
"Kuya-"
"Don't call me kuya. Hindi naman ganun kalayo age gap natin."
"Okay. Aldric, kung gusto mo mag surfing, okay lang naman ako maiwan dito mag-isa. I won't leave. I'll just stay here. Promise," I smiled.
"Talaga? Kung gusto mo, tawagan mo boyfriend mo."
Sakto namang dumaan si Dale sa harap namin. Nakaboard shorts at sun glasses siya tapos may hawak na surf board. Tumingin siya sa side namin, pero umiwas lang siya ng tumingin tapos nag-lakad na. Hindi ko alam kung hindi niya ako nakita o nakita niya ako pero hindi niya lang ako pinansin.
"Oh, ayan na pala eh. Hindi ka ata nakita," Sabi ni Aldric. "Wait, diba siya 'yun?"
I smiled, "Pero hindi ko siya boyfrie-"
"Boyfriend ni Mia! Boyfriend ni Mia!" Tawag niya. Napayuko at tinakpan ko mukha ko. Ano ba yan! Hiyang hiya na talaga ako.
Lumingon si Dale tapos tinanong niya kung bakit. Bakit hindi niya kinontra yung sinabi ni Aldric?! Bakit siya lumingon? Siya ba boyfriend ni Mia? Wala naman akong boyfriend! Sinabi ni Aldric na samahan niya muna ako. Hindi nagsalita si Dale at umupo lang sa tabi ko. Sinandal niya yung surfboard sa isang upuan.
"Maglabing labing muna kayo diyan. Babalik ako, Mia. Wag kang aalis ah," Sabi ni Aldric. Nag yes lang ako. I looked at Dale and I bet he was looking at me, too. Hindi niya tinanggal shades niya kaya hindi ko makita expression niya.
"Galit ka ba?" Tanong ko.
He shook his head, "No."