CHAPTER FORTY SIX

18.1K 505 26
                                    

Hindi pa rin tumitigil si Gerard sa kakakulit sa akin. Ano bang kailangan niya? Sabihin na nating sincere siya, pero hindi ba niya magets? I don't like him anymore. I got too tired of him that it only took me months to move on. Tuwing naaalala ko siya, ang naaalala ko lang, yung mga masasakit na nangyari.

Ayoko ng bumalik lahat ng 'yun. Noong nasa Bataan kami para sa service learning at interview, he tried to talk to me a lot of times. Buti na lang, nandiyan sila Jess at Stephen. Pag sinabi kong ayokong makipagusap, pakikiusapan nila si Gerard na h'wag na akong pilitin.

Bago kami umalis ng Bataan, pumayag na akong makipagusap sa kanya. Nag sorry siya sa nangyari last time. Masyado lang daw siyang nadala. I agreed to be civil to him para pag nagkikita kami, hindi na awkward.

Pero may isa siyang sinabi na hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako.

"Don't trust him too much."

"What do you mean by that?" I asked.

"It's just that... there's something wrong with him."

"Yeah, he's too good to be true," I told him. Totoo naman. Gwapo, talented, matalino, mayaman, at matangkad. Very ideal. According to him, he's a player and the black sheep of their family, pero hindi ko naman makita. Umuuwi pa rin naman siya ng bahay nila.

Siguro hindi lang siya gaya ng mga kapatid niya na sunud-sunuran sa parents nila, but he's a good man. Oo, impatient siya, impulsive, at blunt, but I like him that way. I like that he's honest. Sabi rin sa akin ni Amanda, pag nakita ko na imperfections ni Dale, sana matanggap ko pa rin siya.

Ano ba imperfections niya? Dale saw a lot of my flaws already, but he still accepted me. So I decided that no matter what flaw he has, I should accept it like how he accepted me. The problem is, hindi ko makita. I want to discover, know, and see all of him.

I shook my head. Habang naglalakad ako sa street namin, kinilabutan ako. Ang dilim kasi. Ngayon na lang ulit ako umuwi ng halos madaling araw tapos mag-isa. Bibili na talaga ako ng power bank next time. Ugh! Lagi na lang ako nalolowbat.

"Huh?" Napahinto ako dahil nakita ko si Dale na nakasandal sa gate ng apartment niya na tabi naman ng bahay namin. "Anong ginagawa mo diyan?"

He smiled, shrugged, and spread his arms. Nilapitan ko siya at yinakap niya naman ako nang mahigpit, "I missed you." He whispered.

"Kanina ka pa dito?" I hugged him back.

"Ano sa tingin mo?" I felt him smell my hair and kiss it. Goosebumps! 

I chuckled, "Oo na. Pero bakit?"

Kanina pa daw niya ako tinatawagan, pero hindi na daw ako sumasagot kaya tinext niya si Jess. Sabi daw ni Jess, battery empty ako pero pauwi na rin ako kaya inabangan niya ako sa labas. Madilim na daw at prone to accident ako kaya kailangan niyang malaman kung nakauwi na ako. 

"Grabe, prone to accident talaga?" 

He smiled and hugged me again, "So?"

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon