CHAPTER SIXTY ONE

16.4K 513 25
                                    

A/N: 4-9 chapters (more or less) na lang, tapos na ang Talo Bingi. Sorry sa matagal na update, pero bumawi naman ako recently, right? One to three updates na ako per day. This story isn't perfect. Lahat naman ng stories ko eh. I mean, may mga loop holes, may mga nakakalimutan akong scenes, may contradicting scenes, sobrang daming typos dahil nga nuuna lagi ang kamay ko sa utak ko, but I'm really, really trying. So sorry and thank you for being patient.

Also, ineedit ko pa yung mga naunang chapters since 3rd or 4th yr highschool pa ako when I started writing Talo Bingi. Ngayon ko lang narealize na sobrang immature pala. Hahahahaha! Habang binaback read ko, nahihiya ako.

Pero thank you! Thank you for reading, voting, and commenting. Kahit ang konti ng reads, votes, or comments compared sa iba kong stories, I really don't mind. Basta ang importante, I enjoyed writing this.

CHAPTER SIXTY ONE

"May pulis na paparating, tangina!" May sumigaw mula sa labas ng abandoned warehouse. Narinig ni Raf yung sigaw kaya galit na galit siya. Tiningnan niya nang masama si Angelo na halos di na kayanin ang sakit ng katawan niya. Nasa sahig na lang siya at hirap ng huminga.

Sinigawan niya si Angelo dahil nagsumbong pa talaga siya sa mga pulis. Gustong sabihin ni Angelo na hindi siya ang nagsumbong. Imposible rin naman ang pamilya niya dahil hindi naman niya sinabi yung address sa kanila. Si Glimpse lang ang may alam.

"Bago kita patayin, papatayin ko muna ang pinakamamahal kong kapatid," Sabi ni Raf. Tinutok ni Raf yung baril kay Dale na nakaupo at nakasandal sa pinadulo at gilid ng room. Sinabi sa kanya ni Angelo bago dumating si Raf na kahit anong mangyari, h'wag siyang titingin.

Narinig ni Dale yung putok ng baril. He felt something heavy. Nasaktan siya dahil may mga sugat siya kaya napasigaw siya. Pag dilat niya, nakayakap na sa kanya si Angelo.

His tears fell from his eyes, "K-Kuya-" Hindi niya alam ang pangalan ni Angelo dahil bihira nga lang siya magsalita, pero alam ni Angelo ang pangalan niya.

"A-Angelo..." He was Dale's angel.

Dale repeated his name, "Kuya Angelo..."

"P... pro...mise..."

Dale nodded at him to assure him that he would do all his promises.

Angelo only had five favors, but they were all not easy.

1. Distribute these letters.

2. Protect Mia, Milan, Glimpse, and our baby.

3. Never be like your brother.

4. But don't seek revenge.

5. Be healthy.

He even wrote it so Dale wouldn't forget it. Angelo tried to smile, but he couldn't. He slowly closed his eyes. Nawalan ng tao sa warehouse. Yung iba, nakatakas. Yung iba, nahuli ng mga pulis. Sila ang pinakahuling nakita ng mga pulis dahil nasa pinakadulo pa ng warehouse ang kwarto.

Dinala si Dale sa hospital. Tinanong siya ng mga pulis kung anong nangyari, pero hindi siya nagsasalita. Natatakot siya na pag nagsalita siya, ikulong, saktan, at patayin siya ng kuya niya. He was traumatized. Pinacheck-up rin nila si Dale sa psychiatrist.

He blamed himself for what happened to Angelo. Hangga't hindi niya natutupad yung mga promises ni Angelo sa kanya, he would just mourn and blame himself forever. The guilt was taking over him. He couldn't even turn Raf in.

"I'm sorry," Rox apologized. Wala naman siyang kasalanan, pero nagsosorry si Rox dahil sa ginawa ng kuya niya sa kanya.

Raf was still not satisfied, though. Galit pa rin siya dahil akala niya, ang pamilya ni Angelo yung tumawag ng police. Akala niya, pinlano ng pamilya niya 'yun. Sa libing ni Angelo, pumunta si Raf. Tinakasan ni Dale boydguards niya at sinundan si Raf.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon