Sa Fort Ilocandia kami natulog at sobrang comfy ng kama pati ng place. Kung pwede nga lang wag na umalis ng kwarto, hindi na talaga ako aalis. Dito na lang ako forever. Haha! Yun nga lang, sobrang mahal din, pero wala naman kaming binayaran ni Jess dahil si Dale yung nagbayad noong sa aming dalawa. Hindi ko nga gets kung bakit sa aming dalawa lang yung binayaran niya.
5:45 AM pa lang, pero gising na ako dahil kanina pa nagvavibrate yung phone ko.
"Hello?" Minamalat pa ako at nakapikit pa mata ko.
"Mag ready ka na, and come out. I'm outside your room," He said, kaya nagising ako ng bonggang bongga.
"Sandali, gigisingin ko lang si Jess," Sabi ko, pero wag na daw. Nag tooth brush ako at nagbihis lang ng shorts at jacket niya. Wala man lang akong shirt sa loob sa sobrang pagmamadali. Nakapagspray pa ako ng pabango, though. Matagal tagal na din hindi nalalaban yung jacket na 'to eh.
Lumabas ako at pagkakita ko sa kanya, "Tagal." Reklamo niya. Naka-black polo shirt siya at khaki shorts. Naka-shades pa nga siya at nakasuot din sa kanya yung strap ng SLR niya.
"Sorry naman, Sir Dale. Bakit niyo po ba ako ipinatawag?"
Nanliit mata niya, "Are you teasing me right now?"
"Hindi po," I laughed. "Ikaw naman talaga si Sir Dale, diba?"
Ginulo niya buhok ko at nag-lakad kami hanggang sa nakarating kami sa may hot air balloon. Pag tingin ko sa phone ko, 6:02 AM na.
I looked at him. Ang messy ng hair niya, pero ang cool pa din tingnan. Medyo unfair dahil pag messy yung hair ko, mukha akong bruha. Hindi nakakatuwa. Papakalbo na ba ko? Feeling ko nga may muta pa ako kaya I checked my eyes. May muta nga, pero inalis ko na, h'wag kayong mag-alala.
"What are we doing here?" I asked, with a yawn. Antok pa ko.
"Gusto mo bang sumakay diyan o tatawagan ko na lang sila Harvey at Jessica?" Pinamili niya ako, pero mas mukhang threat yung dating ng sinabi niya sa akin. Nanlaki mata ko pati bibig ko.
Hin. di. ko. na. ka. ya. ang. ma. nga. nang. ya. ya. ri.
"Why are you doing this to me? Ugh! Tara na nga," Hinila ko na siya at narinig ko pa siyang tumawa. Inassist na kami ng mga tao hanggang sa nakasakay na kami at dahan dahan ng lumilipad yung hot air balloon.
"Magkano 'to? Dami ko ng utang sa'yo, shet!" Nasapo ko yung forehead ko. Nakakastress, saan ako kukuha ng malaking pera para bayaran yung mga utang ko sa kanya eh ang kuripot kaya nila mommy at daddy.
"Mura lang, and you don't owe me anything," He replied. Ano ba 'yun?! Tinatanong ko sa kanya kung magkano tapos ang isasagot niya mura lang? Eh lahat naman ata mura para sa kanya. Yung 1 million nga, piso lang siguro para sa kanya. Syempre exagge ako, pero gets niyo na 'yun.
"Ayoko, I'll pay you pag dating natin sa Manila," Sabi ko. Hindi na kami nag-salita dahil ang ganda ng view. First tim ko makasakay ng hot air balloon!