Ang sakit ng ulo ko pag gising ko at wala na akong katabi. Nandito nga pala ulit kami sa rest house nila Dale. Nag swimming pa nga kaming lahat bago matulog at nag second round inuman pa sila. Ayoko na uminom dahil I was so closed to being drunk again. For sure, iiwanan na naman nila akong lahat kay Dale.
Hiya hiya nga ako kay Dale ngayon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Huhuhu! Pagkatapos ko siyang halikan at pagpractice-an ng seducing skills ko, hiyang hiya na ako! Buti nga hindi niya ako itinulak o kaya naman pinahiya.
I sighed at lumabas. Nakita ko pa nga si Amanda na ang putla. Mukha siyang susuka. May sakit kaya siya? Speaking of, ang sakit ng ulo ko dahil sa pagod! Pumunta ako sa CR nang hindi sinasara yung pinto dahil magttoothbrush lang naman ako.
"Gising ka na pala," Sabi ng tao sa likod ko.
Humarap ako sa kanya at noong nakita ko kung sino 'yun, tumalikod ulit ako.
"Oh dammit," He said. Is he mad? "Mia..."
Pumikit ako. May ginawa ba ako kagabi na hindi ko alam aside from kissing him? Huhuhu, ayoko na talaga. I don't wanna live in this planet anymooore.
"Bakit?" I asked. Struggling pa ako mag-salita kasi nagttoothbrush pa ako.
"I think... that's my toothbrush."
Napatigil ako sa pagbubrush ng teeth ko at nabagsak yung toothbrush sa bowl. OMG OMG OMG! Hindi nga akin 'to. Hindi nga akin 'to. Hindi nga akin 'to!!!
Mabilis kong dinura yung toothpaste at hinugasan bibig ko saka ako tumakbo papunta sa room ko. Tinulak ko pa nga siya dahil nasa may daanan siya. Ayoko na talaga. Bakit ba ako ganito? Hindi naman ako ganito dati kay Gerard ah. Bakit ako ganito ngayon?!
Bago pa ako pumasok sa kwarto namin, nakita ko si Gerard na may pasa. Umiwas siya ng tingin. Gusto ko sanang puntahan para i-tanong kung anong nangyari at kung ayos lang siya, pero pinigilan ko sarili ko at pumasok na sa kwarto. Achievement 'to for me, shet!
After ilang hours, pinipilit ko pa ring iwasan si Dale. Merong pag dadating siya, aalis na ko o magtatago ako. Sa sasakyan nga na kami dapat ang magkatabi, sinabi kong nahihilo ako sa gitna kaya pumunta ako sa pinakalikod at tumabi kay Reggie na walang dalang babae. Oo nga pala, sa ibang kotse nakasakay sila Gerard. Hayy, buti naman.
"Are you avoiding him?" He asked, referring to Dale.
"Medj?" I faked a smiled. Mahina lang naman kami mag-usap at maingay rin ang mga kasama namin. Nagvivideo kasi sila.
Grabe! Kung anu anong trip ginagawa nila. Kahit sosyal sila, ang kakalog din talaga nila. Nakakaintimidate man sila by looks, pero hindi nila ipaparamdam sa'yo na dapat kang maintimidate.
"Was it because of last night?" He asked, again. Bakit ba niya ako tinatanong? Alam naman pala niyang nahihiya ako dahil sa mga ginawa ko kagabi.
"Half?" Half kasi kanina, ginamit ko pa toothbrush niya.