Chapter 70

3 2 0
                                    

Curiosity is killing me, nagtataka pa rin ako kung bakit niya ginawa 'yun o kung sino 'yung babaeng 'yun. Nilibot ko ang mga mata ko, baka sakaling makita ko si Jerome. Kaso sa iba napadpad ang tingin ko, sa isang lalaki at babae na naghaharutan. Hays, sana all na lang. Sino ba ang mga 'yun at familiar sila sa 'kin? 

Aish! That's not important, kailangan ko pang hanapin si Jerome at tanungin kung sino 'yun. I stood up at sinuot na ang slippers ko. 

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong sa 'kin ni Mom. 

"Ay, hahanapin ko lang po si Jerome. May tatanongin lang." I replied. 

"Okay, bumalik ka agad ha? We're having a party celebration pa." Sambit niya. Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. 

My birthday is an open celebration, kahit sino ay pwede pumunta. Bakit ba kasi ang daming tao dito at naghaharutan pa? Pinapainggit niyo ba 'ko. 

Ang dami namang magj-jowa dito, nagpunta lang ba sila dito para maglandian? Hay nako, I should get going. 

Pati 'yung dalawa kong kaibigan nawala na, hinila na ba sila ni Ursula pababa sa dagat? Tapos eto namang si Jerome 'di ko mahanap-hanap, kung saan naman nag susumiksik, langgam ba siya? 

Naglakad lakad pa 'ko sa buhangin, sa mga cottage, sa swimming pool, kaso 'di ko nakita ang kaibigan kong si Jeje. Asan na ba 'yun? Kasama niya ba 'yung jowa niya? 

I was in the middle of walking when someone walked with me. Tinignan ko siya at nakitang si Blake 'yun.

Anong nakain nito? Baliw na ba siya? I thought he hates me? Oh-em-gee, is this my chance? Kakausapin ko ba siya? Baka mainis naman siya sa 'kin? Hala, kinakabahan ako. Madaming tanong ang pumasok sa isip ko, sobrang kinakabahan ako. Diretso lang ang tingin ko dahil ayokong maghinala siya. 

"Sino hinahanap mo? Si Shawn?" He said coldly. Bakit ba niya natanong 'yan? Wait... Nagseselos ba siya. 

"No... B-bakit mo naman natanong 'yan?" This is making me uncomfortable. Don't tell me na... Alam niya? 

"Nothing, I just find you two suspicious." Sambit niya at umalis na. 

"Tch! Akala ko ba ayaw mo 'kong kausapin, marupok ka? Mana ka ba kay Gwen?" Bulong ko at nagdabog. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ko kay Jerome. 

"Jerome!" Sigaw ko. Finally! After 17 minutes ng paghahanap, nakita na kita! 

Nagulat siya nang bigla akong sumigaw. He's with Gwenevere, naglalaro ng sungka. Tumakbo ako papalapit sa kanila at umupo sa isang chair. 

"Nandito lang pala kayo. Saan galing 'yang sungka?"

"Kay Alessia at Penelope, inangkin namin." Gwen laughed tsaka tinuro ang mga kapatid ni Britt na nagp-picture sa dagat. 

"Nasan Si Britt?" I asked. 

"Nasa kubo, doon ko siya huling nakita." Jerome replied. Agad agad kong naalala 'yung ginawa niya kanina, kaya ngumiti ako sa kaniya ng mapangaasar. 

"Tsk! Ikaw Jerome, who's the girl? Do you have a crush on her?" Pangaasar ko. 

"Huh?! Sinong babae? Bakit 'di ako inform?" Agad agad na tanong ni Gwen.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now