"What the—"
Natawa kami sa reaction ng dalawa. Agad naman silang nagsi iwasan nang tingin. Sinamaan pa ko ng tingin nang dalawa.
"Tara, buksan na natin ang mga regalo satin ni Caleb." hinila ko sila paupo sa couch at sabay naming binuksan yung regalo ni Caleb.
Sinamaan ko siya nang tingin nang makitang bagong camera na naman ang regalo niya sakin. Ginagawa ata ako nitong photographer, eh hello Model kaya ako. Ang dami ko nang camera galing sa kanya.
May naisip ulit akong kalokohan kaya tinawag ko siya. Tapos ay bigla ko siyang pinicturan. Tinignan ko ang picture at mas lalong nainis. Ano ba yan, kahit stolen ang pogi pa din! Sana all.
"Picture nga tayong dalawa!" sabi ko sa kanya.
Agad naman siyang lumapit sakin at yumakap sa bewang ko. Nagtake ako ng selfie na nakakiss siya sakin sa pisnge tapos ako ay nakadila.
Lagi kaming ganito kahit bata pa kami. Sabay kami dati na naliligo. Tapos nagsheshare kami ng mga gamit namin sa isa't isa. Minsan nga akala nilang boyfriend ko 'tong pinsan ko sa mga hindi nakakakilala samin. Hinahayaan ko lang dahil hindi naman totoo.
Nagpicture picture pa kami atsaka ko pinost sa IG ko. Una kong pinost ay yung picture naming dalawa ni Caleb at yung stolen niya. Nilagyan ko yon ng caption na 'I miss you Calebski'. Sunod non ay mga picture na naming lahat.
Magmamadaling araw na kaya naghanda kami nang midnight snack dahil magbabonding kaming tatlo kasama yung dalawang bruha at kambal. Tabi ulit kami ni Caleb habang katabi niya si Kaydence na nahihiya pa din. Tapos katabi ni Kay ay si Britt. Ang katabi ko ay yung kambal tapos si Ate Claire.
Ate Claire and Hailey are bestfriends and cousin of course. Ewan ko lang kung bakit hindi sila magkasama ngayon. Naiinggit at nagtatampo siguro dahil gustong makipag hang out sakin ni ate Claire.
"Kuha lang ako snacks guys." paalam ko. Dinala ko ang cellphone ko.
Habang nagpeprepare ng midnight snacks namin ay tumutunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at nakitang maraming notification sa IG ko. Mga nagcomments at naglike sa bagong post ko.
@kay.melody: ganda mo babes :*
@calebford: Ganda mo!!! I miss you more, Gwenski! :* <3
@ralliane.brittmc: Sanaol
@clairexford: napakapanget naman nang kasama mo Gwenevere. > o <
@cybilicious: panget ni kuya Caleeeeebbbb!
@cyrillicious: Angel and Devil :P
Natawa ako sa mga comments nila. Kaso may biglang napansin ang paningin ko.
@ryden.anthony: hmmm...
"Weird." bulong ko.
Kinilabutan naman ako kay Ryden. Sasabunutan ko yon mamaya e.
Kinuha ko na ang midnight snacks namin atsaka bumalik sa pagtutulugan namin. Lahat sila don ay nakahiga na at naghihintay sakin habang nakapause ang movie. Ngumiti ako at humiga narin. Saka nila plinay.
Habang nanonood kami ay biglang may nagdoorbell. Baka sila Mommy na or hindi kaya sila tita Dolly.
"Ako na magbubukas." prisinta ko.
"Sama ako."
Sumunod sakin si Caleb at umakbay sakin. I did not expect who I saw. It's Ryden! Ryden is here!
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...