Gwenevere
Ilang araw nalang birthday na ni Ryden. At hindi parin ako makapagdecide kung ano ang susuotin, ireregalo at kung pano ko siya babatiin. Hays, bakit ko ba kailangan mag isip e formal party lang naman yon? Saka kahit wala akong regalo basta mabati at nandun ako ayos na.
"Hoy, kailan ka ba kikilos bruha ka?" tanong ni Kaydence.
"Wala." sambit ko.
"Ano? Sabog kaba?" natatawang sabi niya.
"Ha? Ano, mamaya na. Sabog pa ko, mamaya mo na ko kausapin." utos ko at tumulala ulit sa cellphone ko.
"Naku. Dapat kasi hindi kayo nag away ni Britt eh. Ako lang tuloy ang magtitiis sa kasungitan, kalutangan at kabwisetan mo. Naku Gwenevere, makipagbati kana kay Brittany kung hindi pag uuntugin ko kayo jan kapag hindi tayo sabay kakain mamaya ha." utos niya at umalis na.
Napabuntong hininga ako. Isa pa yon. Nag away kasi kami ni Britt tungkol kay Ryden. Kesyo ganyan daw ganito. Eh duh, ako yung girlfriend, ay soon to be palang pala. Basta mas kilala ko si Ryden kesa sa kanya kaya ayon nagtalo kami.
Tumayo ako at nagcr na. Pupunta kasi kami ngayon sa mall para magtingin ng regalo dahil nga ilang araw nalang birthday na ni Ryden. At wala pa kong maisip na kung ano.
Mayamaya ay tumunog yung cellphone ko. Dali dali ko yong binuksan dahil umaasa akong si Ryden yon pero mali ako. Galing yon kay Hailey.
From: Hailey
Papa wants to talk to you. Tomorrow at 7 pm in our house sa Manila.
Napairap nalang ako at naghagilap ng isusuot. Sa totoo lang tinatamad ako, kakatapos ko lang kasi sa sandamakmak na papers na pinagawa samin ng prof tapos may research pa. Sasabog na utak ko promise.
Habang namimili ay tumunog na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko agad. And this time si Ryden na yon. God kanina ko pa siya hinihintay!
"My Gosh, buti tumawag kana! Kanina pa kita hinihintay!" reklamo ko.
"Ouch. Don't shout please? Don't you miss me?" malambing na saad nito.
Napairap ako at napangiti din agad. My gosh, so rupok Gwenevere.
"So ano nga? Kamusta ang BONDING niyo ng EX mo!" pinagdiinan ko pa yan ha.
"Fine. So glad I talked to her again. Closure alam mo yun? Im thankful that I made the right decision." sabi niya na nakapagpalaylay ng balikat ko. He enjoyed it.
Hindi ko namalayan na hindi pala ako nakapagsalita.
"Hello? Are you still there?" dun lang ako natauhan.
"Ha? Yeah."
"BTW, why did you call? Do you miss me? I miss you too."
"Wala. Tatanong lang kung anong gusto mo sa birthday mo. Ilang araw nalang wala pa kong maisip. Kahit isusuot di ko alam kung ano."
"You know that I only want you right? And don't wear too revealing clothes. Wear something like turtle neck long dress and wear bra please. Wear shorts too."
Namula naman ako sa sinabe niya.
"Of course! What do you think of me? Of course I always wear bra, and shorts duh?"
"Yeah?"
"Yeah. Kahit sa CR nakabra at panty ako." proud na sabi ko. I heard his soft chuckles.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...