"There are no—"
I checked my phone. I saw one message from my mom.
TheGreatestMom:
Honey, Im sorry but there is only one room available at the Hilton. Don't worry I will give you my permission to sleep with boys. Iloveyou take care!
I sighed out off annoyance.
"Lumipat nalang tayo ng ibang hotel." I told them.
"What? Inaantok na ko gusto ko ng magpahinga." Ryden said.
"Sila Kay ang kausap ko wag kang sumabat." masungit na sabi ko.
"Oo nga Gwen, dito na lang tayo. Hayaan mo na gawan nalang natin ng paraan. Pagod na din kami e." Kay agreed.
I sighed again and looked at the lady.
"Fine."
Nauna pa kong maglakad sa kanila papunta sa elevator. Nang makapasok na kami sa loob ay pinindot ko yung 5th floor. Napapairap ako sa tuwing maiisip na makakasama ang bwiset na lalaking yon sa isang room. I swear hindi talaga ko tatabi sa kanya.
Bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami. 4 rooms before ours. Buti nalang ay executive room ang pinili ni mama. Naku ayoko makatabi talaga ang lalaking yon. Merong isang malaking balcony, may king size bed, dalawang lamp shade sa magkabilang bed. One study table and one bathroom. Meron namang isang malaking closet kaya okay na din.
"Kasya na tayo dito sa kama." Kay said.
"Duh, may kasama kaya tayong boys. At anong kasya tayo? Duh 4 na tao lang ang kasya jan." Masungit na sabi ko.
"Edi magpaalam tayo. Teka nga, bakit ba ang sungit sungit mo?" Ryden asked.
"Don't talk to me please?" I told him.
He mocked me and laughed. Blake and Shawn looked at each other.
"Sabi na magkaaway to eh." They both said.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay don sa closet. Ginilid ko para meron pa yung iba. Nang makita kong natutulog na sila don sa kama ay naglagay nalang ako ng sapin sa sahig at doon natulog. Naramdaman ko pang may tumabi sakin pero di ko pinansin dahil baka si Britt or Kay lang yan. Tuluyan na kong nilamon ng antok.
Nagising ako ng parang may nakadagan sa may mga hita ko at may nakayakap sa bewang ko. Pagmulat ko ng mata ay napasigaw ako.
"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"
Napatayo ako at napagtanto na lahat na sila ay nakahiga sa sahig natutulog at lumaki ang sapin! At katabi ko pa ang isang bwiset na to! Nakayakap pa!
Nagising naman siya at kinusot ang mata.
"Ano ba yan ang ingay mo naman!" reklamo ng epal na to.
"Bakit ka nakatabi sakin? At bakit ka nakayakap?!" tanong ko.
"Huh? Ikaw kaya unang yumakap sakin!" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"A-anong ako?! Bakit ko naman gagawin s-sayo yon?!"
"Malay ko bang may gusto ka saken." nakangising sabi niya.
"Ang ingay niyo naman. Nagtutulog pa kami oh." saway samin ni Kay.
"Porke nagyakapan lang kayo jan." Blake said. My eyes widen.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...