Gwen
"Kaydence!"
Hawak ko ang kamay ng walang malay na si Kaydence. Puno ng dugo ang ulo niya pati narin ang ibang parte ng damit. Maging ang mga nanginginig na kamay ko ay nabalot na din. Ganun din ang kay Britt.
"Miss sorry hanggang dito nalang po kayo." Sabi ng nurse nang makarating na kami sa pinto ng Emergency Room.
Agad nilang isinara ang pinto maging ang kurtina. Napahagulgol ako at dahan dahang napaupo sa sahig habang hawak ang ulo ko. It's all my fault. I hid everything from them. And now I got my karma.
Napatingin ako kay Britt na nakaupo lang doon at nakatulala. Umiiyak din siya pero nakatulala lang. Sinubukan kong lapitan siya at damayan pero hinawi niya ang kamay ko at lumayo.
"P-Please, wag muna Gwen. P-Please lang." Nanginginig ang boses na sabi niya.
"I-Im sorry, Britt. Im sorry." Gumaralgal ang boses ko at naiyak na naman.
Umiwas lang siya ng tingin at tumalikod sakin. Bago siya humakbang palayo ay may binulong siya na kami lang ang makakarinig.
"I hated you for keeping a secret from me. But I don't blame you for keeping from us about the condition of your family. Gwen, sana sinabi mo samin. Na hindi mo na kaya, na wala ka ng pamilya na susuporta sayo. Dadamayan ka naman namin. Ano pa ba ang silbi namin kung maglilihim ka?" Puno ng hinanakit na sabi niya sabay takbo paalis.
Nakatulala lang ako sa sahig. Kasalanan ko talaga. It's not that they are not going to support mo or something, it's just that I don't want to be a burden to them. Dahil alam ko naman susuportahan nila ako at dadamayan ano man ang mangyari, ayoko lang dumagdag sa sarili nilang problema.
Nakaupo lang ako sa may upuan malapit sa pinto ng ER. Nakatulala sa dingding, iniisip ang mga pagkakamali ko. Hanggang sa narinig ko ang nag aalalang boses ni tita at tito maging si Kuya Kaiden at si Blake.
"Hija, how's Kaydence? What happened?" Naiiyak na tanong ni tita sakin. Tinayo niya ako sa pagkakaupo at hinawakan ang mga braso ko. She looked at me straight in the eye and I saw her starting to cry. Naiyak na rin ako.
"Im sorry po, tita. Kasalanan ko po." Nanginginig ang boses na sabi ko. Agad naman niya akong niyakap. "Naglihim po ako sa kanila, at hindi po yon kinaya ni Kaydence. Sa sobrang galit niya po sakin ay tumakbo siya palabas ng condo. Sinubukan pa po namin siyang habulin pero nabangga na po siya ng truck, tita. Im sorry po." Umiiyak na paliwanag ko.
Naramdaman ko ang unti unting pagluwag ng yakap niya hanggang sa mabitawan na niya ako. Ngunit nagulat ako sa maharas na paghila sakin ni Blake at dinala ako sa may sulok yung walang makakakita.
"You did this to Kaydence?!" Nanggagalaiti niyang tanong.
"Im sorry, Blake."
"Diba ilang beses ko ng sinabe sayo na sabihin mo na sa kanila! Ilang ulit kong sinabe sayo yun Gwen! Hindi ka nakinig! Hinintay mo pang humantong sa ganito!" Sigaw niya.
"Im sorry. Hindi ko alam na hahantong sa ganito. I hid everything because I don't want to hurt them. Im sorry, please." Umiiyak na paliwanag ko.
"Alangan, kung alam mo naman hindi mo naman ililihim diba?! Atsaka Gwen, hindi mo ba naisip na mas lalo mo silang masasaktan pag nilihim mo?! Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sigaw niya.
"Blake, that's enough!" Kaiden interrupted with a shout.
"No, Kuya Kaiden. It's all her fault." Malamig na sabi ni Blake habang masama ang tingin sakin.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...