Hanggang dito sa classroom, Hindi niya 'ko pinapansin, Nakatingin lang siya sa harapan at nakikinig. Nakailang subject na kami.. Pero, parang wala lang sa kaniya.
Why did I even said that? Nasaktan ko siya.
Nagd-discuss 'yung professor namin, Pero kahit isang salita niya.. Hindi pumapasok sa isip ko. My brain is not functioning properly, Parang sinasabi nito na.. Na--
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagring na ang bell, means na dismissal na namin. Tatayo na sana ako upang puntahan ko siya, pero naunahan na 'ko... Lumabas na lamang ako ng classroom at naghintay sa labas.
Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na siya. Inaasahan ko na haharapin niya 'ko pero hindi.. Hindi niya ako pinansin, Naglakad na siya papalayo.
Ano ba Kaydence! Ikaw 'yung nagtaboy sa kaniya tapos ikaw pa 'yung nagpupumilit na sana ay pansinin ka niya?
Tama, Ako 'yung nagtaboy sa kaniya papalayo..
Nilabas ko ang phone ko at tinext ang dalawa. Sinabi ko rito na hindi muna ako sasabay sa kanila dahil pupunta muna ako sa company.
Mamaya pa 'yung dismissal ng dalawa kaya hindi ko na hinintay ang reply nila at lumabas na ng gate. I texted kuya Kaiden na sunduin ako dito.
Habang naghihintay, Nakita ko na dumaan ang kotse ni Blake sa harapan ko.. Tears started falling out, I asked myself.. Is it worth it Kay? Na palayain ang taong mahal mo?
No, It's not worth it.. Pinunasan ko na ang luha ko dahil maraming tao ang dumadaan at nakikita ko na sa malayo ang kotse ni Kuya. Huminto ang kotse niya sa harapan ko at sumakay na sa passengers seat. He started the engine at nagmaneho na. Tahimik lang akong nakatingin sa daan nang bigla siyang magsalita.
"Bakit ka nagpasundo. Is there any problem?" He asked.
Yes Kuya, Marami.. Iyung sa kasal at sa.. "None, Gusto ko lang bumisita sa company."
"I don't believe you."
"If you say so." I said at binuksan ang dash stereo. Pagkabukas ng kantang iyon ay bumalik na 'ko sa pagkakarelax, Nang marinig ko ang pamilyar na kantang 'di ko inaasahan na magp-play.
"What would I do without your smart mouth? Drawing me in--" Hindi ko na pinatapos ang pagkanta ni kuya at pinatay ang stereo. "Bakit mo pinatay Kay? Paborito ko pa namang kanta 'yung All of me." Pagrereklamo ni kuya.
Tumugtog pa ang kantang 'yun sa time na 'to. 'Nakikipaglaro ba sa 'kin ang tadhana?'
"Eh, Kuya! Ibang song na lang, Ang p-pangit eh." I said back.
"Eh, Why? May pumapasok na something sa isip mo kapag pinapatugtog 'yun? Or should I say, Someone?" Pangaasar pa ni Kuya.
Oo, Ang special na tao sa 'kin. "Wala, Ang sakit lang sa tenga."
Hindi pa siya tumigil at nangasar pa. But He suddenly stopped talking kasi parang nahahalata niya na hindi ako nakikipag biruan. Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan.
Sinira ko ang katahimikan at nagsalita. "Uhm. Kuya, Ano 'yung naramdaman mo nung uhm nag-break kayo ni uhh, Ate Hailey?" I said, I saw him glanced at me with a shocked face.
"Why do you have to bring this topic?" He seriously said.
"Uhm, It's okay not to tell me if you're uncomfortabl--" I stopped talking when he sighed.
"It hurts. It hurts a lot, Watching the Woman you loved crying because of the pain, tagos 'yun sa puso ko. Mas may isasakit pa n'ung makita ko siyang.. May ibang.." As I heard his sniff pinatigil ko na siya sa pagsasalita at tinapik ang likod.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
Storie d'amoreWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...