"Bruha, gising!"
Nagising ako dahil sa mga alog ni Britt. Kinusot ko ang aking mata.
"Ano? Bakit?" may bahid pa ng antok ang boses ko.
"Bilisan mo maghahiking tayo."
Tumayo na din ako at naligo. I just wore a white sando and black leggings together with my addidas shoes. I get my mini back pack at our luggage and put my water bottle, camera, towel, powder and some chocolate.
Niligpit na din namin ang dalawang tent pati ang mga pinaggamitan namin dahil lilipat na kami sa hotel after ng hiking. Inakyat namin ang bundok. Nasa unahan namin sila Britt and Shawn tapos kami ang nasa gitna tapos sa likod sila Blake at Ryden. Nagkekwentuhan pa kami ni Kay habang umaakyat ng bundok.
Mayamaya ay biglang naapakan ni Britt ang putik kaya muntik na siyang madulas buti nalang ay nahawakan agad siya ni Shawn. Agad naman itong umalis at nauna na ulit maglakad. Nagkatingin kami ni Kay.
"Nag away yung dalawa." sabay naming sabi at natawa.
Nang maakyat namin ang bundok ay nagpahinga muna kami.
"Grabe! Ang saket ng paa ko don ah!" reklamo ko.
Lumapit naman sakin si Blake at minasahe ang paa ko. Ganyan talaga yan si Blake kapag sumasakit ang paa ko kapag nagmomodel kami, minamasahe niya para di mamaga. Napansin kong napatingin samin ang lahat maliban kay Ryden na masamang nakatingin sa malayo, nakaiwas ng tingin samin. Bakla talaga ang isang 'to.
Lumapit sakin si Britt nang makaalis na si Blake at pumunta sa tabi ni Kay.
"Traydor." Bulong ni Britt.
"Baliw!" sabi ko at umirap.
Pinilit akong picturan ni Britt dahil ako daw ang model niya. Ediwow. Kaya wala akong nagawa kundi umawra. Ang gaga sinama pa si Blake.
Nang magdesisyon na kaming bumalik ay nagsimula na kaming bumaba. Bakit parang ang tahimik ni Ryden ngayon? Tapos di pa tumatabi sakin para kulitin ako. Hala baka nagselos sakin. Inagaw ko ata si Blake sa kanya. Ano ba yan naging mang aagaw pa ko dito.
Napansin kong hindi ako tinitignan ni Ryden at seryoso lang ang tingin niya sa daan. Kahit nung nagbook na kami ng hotel, hindi niya pa din ako pinapansin. Baklang 'to bang arte!
Nang makapagbook na kami ay talagang hindi ako pinansin. Ganyanan pala ha, edi sige hindi rin kita papansinin. Magkahiwalay ang room namen sa boys kaya pumasok na ko at naligo agad. I just wore a sando, yung malaki ang butas sa may braso with chubes inside and a high waisted short. Kakain kasi kami ng lunch sa labas. Mamayang gabi ay uuwi na din kami sa Rizal para makapagpaalam sa mommy ko. Pumayag na kasi yung mommy nila, saken hindi pa ako kasi huling ininform. Para na rin makakuha kami ng damit. Winter season na dun sa Atlanta kasi November na so kailangan namin magdala ng makakapal na jacket and gloves.
Pagkatapos nilang maligo ay lumabas na kami para maglunch sa restaurant nila Kay. Buti yon para libre hehe. Mas masarap kasi kapag libre.
"Good Afternoon, Ms. Joson, Ms. Celestial, Ms. Elias. Any reservation?" the manager welcomed us. Siguro alam na nilang pupunta kami.
"Yes please. And please give us our usuals." Kay said.
Tinuro samin ng manager ang pagpepwestuhan namin at bumalik na ang manager sa counter.
"Oy libre mo ha." sabi ko.
Nandidiri namang tumingin sakin si Kay.
"Eww, kadiri ka babes. Ang yaman yaman mo tapos magpapalibre ka." she said and rolled her eyes.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...