"Class dismissed."
Agad kong niligpit ang gamit ko pagkatapos magpaalam na ang prof namin.
"San punta mo miss sunget?" napalingon ako kay Ryden nang magsalita siya sa tabi ko. Nakasunod pa nga.
"Cafeteria." maikling sagot ko.
"Sabay na ko."
Tumango nalang ako. Sabay kaming pumunta sa Cafeteria kung saan andun na ang apat at napansin ko na naman na hindi nagpapansinan masyado sila Blake at Kay. May problema talaga ang mga 'to. As usual, tinginan, bulungan ang eksena ng ibang students. At yung apat ay todo asar samin kesyo sabay daw kami, mukhang hindi daw kami nag aaway. Bahala sila jan.
I sat beside Kay. Magkakatabi ang boys at kami namang girls ang magkakatabi. Umorder na si Shawn at Britt. Mayamaya pa ay dumating si Stephen.
"Can I join you?" tanong niya na ang mata ay nakatingin sakin at nakangiti.
"Sure." I smiled at him too. He sat beside me kung saan nakaupo si Britt kanina.
"Leave. That's Brittany's chair." sabi ni Ryden.
Tatayo na sana siya nang paupuin ko ulit.
"It's okay sa tabi na lang niya si Britt." I said.
Ewan ko ba kung bakit ako nagiging ganito. Eh halos dati ay isumpa ko sila sa pagdididikit sakin tapos ngayon ganito?
Ryden raised his brow at me at what I said. He rolled his eyes when Stephen sat beside me again. Narinig ko pa siyang bumulong nang whatever. Napatingin naman ako kay Kaydence ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Why are you laughing?" naiinis kunwari kong tanong sa kanya.
"Nothing." she just shrugged.
Dumating na din sila Britt daladala ang mga pagkain namin. Nagtaka pa siya nang makitang nakaupo na si Stephen sa tabi ko pero gumawa nalang siya nang paraan para makaupo. Kumuha siya nang upuan sa kabilang table namin na vacant saka pumwesto sa gitna.
Nagsimula na kaming kumain. May dala na rin kasing pagkain si Stephen. Mayamaya pa ay biglang may nagsalita galing dun sa speaker.
"Hello, this is the Student Counsil President. There is something important, our Principal will announce."
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...