Britt
"Anybody home?" Pagka-unlock ko nang pinto sa condo room namin. I guess ako ang nauna mauwi? Yeah.
Dumiretso ako sa sofa at naupo doon "Finally, I'm ho-- Hachooo!!" Eto na nga ba sinasabi ko eh. Nilabas ko sa bag ko ang nebulizer at mga gamot, kumuha muna ako ng tubig sa refrigerator at nagtake na ng isang meds. Binuksan ko na rin ang nebulizer at sinuot ito sa bunganga ko. Mabuti na lang hinatid ako ni Shawn dito. Naiwan kasi yung kotse niya sa airport.
Papasok na 'ko nang kwarto ko ng marinig ko'ng tumunog ang pinto.
"Kay!! Akalain mo ikaw yung pinakaunang bus sa 'tin, pero ako pa 'rin yung unang nakauwi! Hahaha!" Salubong ko sa kaniya.
"Oo na, Matutulog na 'ko may pasok pa tayo bukas." Tumango na lamang ako at pumasok na sa kwarto. Nilabas ko na ang mga gamit sa bag ko at inayos na ito, Nilagay ko na ang mga damit na nasuot na sa Basket, Pagkauwi ko bukas galing school lalabhan 'ko na iyun. I did my skincare and changed my clothes into pajamas. Nahiga na 'ko sa kama ko at dahan dahan ipinikit ang mata ko.
Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may umaalog sa 'kin.
"Hoy! Britt gumising ka na-- Bakit ang init mo?!" Sambit ni Gwen ng maramdaman na mainit ang mga braso ko. Dinampi niya ang kanyang kamay sa noo at leeg ko. "May Lagnat ka! Nako! Kaydence come here!"
"Whaaaat?!" Sigaw ni Kay. Pumasok siya sa kwarto ko na suot na ang uniform na bigay ng school, may hawak pa siyang sandok.
"May Lagnat si Britt, Tignan mo."
Lumapit si Kay sa tabi ni Gwen at hinipo ang noo't leeg ko, Nanatili lamang akong nakahiga habang natatawa sa mga mukha nila. "Hala, Oo nga. 'Di muna kami papasok babantayan ka namin."
"Oo nga, Hindi muna kami papaso--"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nilang dalawa, "Anong hindi papasok?! Pumasok kayo!! I can handle myself, Kung hindi kayo papasok, Isusumbong ko kayo kay Tita. Tsaka sobrang dami niyong gagawin, pwede naman akong mag call sa kaklase ko at itanong kung anong mga ginawa nila eh."
"Sige na nga, Papasok na kami basta kumain ka muna tapos ipapatawag ko yung kapatid mong si Alessia na samahan ka sa ospital, ang tagal mo ng hindi bumibisita d'on." Sambit ni Kay.
"Ha?! Ayoko!! Pwedeng sa weekend na lang tsaka masama talaga yung pakiramdam ko, Anyways tulungan niyo ko lumipat sa sofa ang lamig dito eh." Pumayag naman sila, Inalalayan nila akong pumunta sa sofa, kumuha si Kay ng mainit na tubig at tower at nilagay iyun sa noo ko, Pumunta naman si Gwen sa kwarto ko para kunin ang Cardigan at Sweat pants ko. Binigyan nila ako ng pagkain at pinainom ng gamot, pinaalala rin nila na inumin ko yung gamot ko sa asthma at sa sakit ng ulo. May nilutong soup si Kay kaya ayun na lang daw kainin ko, ayan ang mga paalala nila bago umalis.
30 minutes na ang nakalipas at bored na bored na ako dito, Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang inbox ko. There are so many unread message pero tinignan ko ang text ni Shawn.
24 Missed calls from Shawnaol...
From: Shawnaol
(7:23 AM)
•Hey, Bakit wala ka ngayon sa school? Anong nangyari?
•Rallianne, Sumagot ka nga.
•Hey
•Rallianne
•Brittany
•You're not answering my calls
•Brittaaaaanyyyyy T.T
(7:28 AM)
•Brittany......
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...