Chapter 83

4 2 0
                                    

Gwenevere

"Gwen, nakapagbayad ka na ba dun sa ambagan sa thesis naten?"

Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng palda ko at tinignan kung may pera pa ba ako.

I sighed. Tatlong daan nalang 'tong pera ko. Hindi ko pa nakukuha yung sahod ko dun sa may coffee shop.

"Magkano ba?" Tanong ko.

"250 plus 7 pesos." Sagot ni Chi, ang treasurer ng group namin.

Kinuha ko ang 300 at ibinigay sa kanya. Binigay naman niya ang sukli ko at binalik ko yon sa wallet.

"Ok kana." Sambit niya at aalis na sana kaso humarap ulit sakin. "Ay sabi pala ni Leader ikaw na daw gumawa ng introduction pati yung abstract ng Research natin sa Civil Engineering Law."

Tumango nalang ako. Umalis na siya. Niligpit ko na ang gamit ko since tapos naman na ang last period. Hindi kami magkaklase ni Ryden sa sub na 'to.

Umalis na ako at pumunta sa room ni Ryden pero sabi nila umalis na. Mga cleaners nalang kasi ang natira.

Umalis na agad siya at hindi manlang ako sinundo. Na naman. Napailing nalang ako at pumara na ng taxi. Pagdating sa coffee shop na isa sa part time ko, binayad ko yung natirang pera ko.  Buti nalang ay may barya pa ako sa bulsa dahil 60 pesos ang pamasahe ko.

Pumasok ako sa loob kung saan nagbibihis o natutulog ang mga crew. Nagpalit ako ng black na tshirt at pencil cut na skirt na under the knee. Ito ang uniform namin at pantalon sa mga lalaki. Nagsuot ako ng apron dahil sa counter ako nakaassign ngayon. Tinali ko ng pa bun ang buhok ko at naglagay ng onting concealer at powder sa mukha dahil halatang haggard ako. Tapos naglipstick ako ng light para hindi halata ang pagkapale ng labi ko dahil stress.

Pagdating ko sa counter ay ngumiti ako. Hindi ko pinahalatang peke at stress ako.

"Good afternoon, ma'am! How's your day? May I take your order?" Magiliw na bati ko sa costumer.

"One Dark Chocolate Frapuccino and One slice of carrot cake."

"Great!" Pinunch ko yon sa computer. "154.75 overall ma'am." Tapos ay kumuha ako ng baso na plastic kagaya ng sa milktea at pentelpen. "May I know your mame po?"

"Iza, I-Z-A."

"It will take 15 minutes ma'am. I will serve it to you nalang po. Thank you ma'am, have a nice day." Masiglang sambit ko.

Tumango siya at ngumiti pagkatapos ay naghanap na ng pwesto niya.

Ganyan ang ginawa ko sa buong shift ko. 3 hours lang yon. 5:42 na at 6:30 ang oras ng next part time ko kaya agad akong nagpalit. Binigay na din pala ng boss ko ang sahod ko na 5K.

Pumara ako ng taxi after kong magpalit. Ang next na part time ko ay Janitor ng isang banko. Pagtapos ko magjanitor for almost 5 hours sa sunod na part time na ulit ako which is isa namang cashier sa convenience store. 2 hours lang ang shift ko since onti nalang naman sila.

Pagtapos ng shift ko ay pagod na pagod akong nagbihis. Pumara ako ng taxi at nagpahatid muna sa banko kung saan nakalagay ang mga pera ko. Bukas naman sila for 24 hours at 11 palang naman. Pagtapos kong isave ang money ko sa bank ay umuwi ako. Swerte nga ngayon araw dahil nagkasabay sabay ang sahod ko. 5k ang sahod ko sa pagiging waitress, 5k ulit sa cashier tapos 7k sa janitor. 10k lang ang nilagay ko sa bank at 7k ang sakin para sa lahat ng gastusin ko. Pagkakasyahin ko nalang.

Pagkauwi sa condo ay tulog na ang dalawa. Mabuti naman baka tanungin pa nila ako kung bakit ngayon lang ako umuwi. Pag maaga natatapos ang shift ko ay naabutan ko pa silang gising. Pero mas madalas na tulog na sila.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now