Chapter 87

10 3 0
                                    

Kaydence


"What are you doing? Maghanda ka na, or else you'll be late," Napatingin ako sa likod ko, it's kuya Kaiden. I guess ako na lang ang hindi naghahanda, Britt's probably doing her makeup already, si Gwenevere naman ay nasa living room, naghahanda na. Nalilito nga ako kung bakit niya ayaw pumunta sa bahay nila, her response are always 'Wala ako sa mood, Bukas na lang' "

"Kuya," Sambit ko at hinarap siya. "Paano natin matitigil 'yung wedding? Please kuya, 'di pa nga ako nakakapagtapos mag-aral, ikakasal agad ako? It doesn't make sense at all."

"Kaydence Melody, how many times do I have to tell you? We can't stop the wedding. We'll probably be dead if we'll try to stop it."

Tumingin ako ng masama sa kaniya. "I thought you're going to help me? Laging promises ang sinasabi mo sa 'kin, just like this one, hindi ka man lang gumawa ng actions." Sambit ko at umalis na, bumaba na 'ko ng living room at umupo sa isang vanity table. I'm right, Gwenevere is already dressed up.

Lumapit na sa 'kin ang makeup artist at pinapili ng makeup na ilalagay niya sa 'kin. I picked the glam one, once lang ang party na 'to, so I need to be glamorous. Just kidding.

"Kaydence, what's up with that face expression?" Tanong ni Gwen.

"Nakakainis kasi si kuya." Deretso kong sagot.

"Bakit? Nag-away ba kayo?"

"Basta. I'll tell you later."

Lumapit na rin sa 'kin ang hairstylist so that I can pick which hairstyle I want. I chose the soft curls with slick edges. After that, pumunta na 'ko sa dressing room so that I can change. 'Yung nag-design ng gown ko ay 'yung designer nung nagm-model siya, kaya medyo pricey. It is a black glittery slit off shoulder elegant gown, it is beautifully designed because you can really see the small details.

Lumabas na 'ko ng dressing room para puntahan si Gwen, matapos non, lumabas na kami ng house at sumakay sa kotse kasama si kuya Kaiden, pupuntahan namin doon si Brittany.

Nang madaanan na namin si Britt sa bahay nila, sumunod na kami papuntang venue. Nauna na ang parents ko at parents ni Britt sa venue, ewan ko lang kay Gwen kung nandoon na ang parents niya, hindi pa niya nam-mention ang mga magulang niya ngayong week, I guess there's really a problem.

Nang makarating na kami sa venue, iniwan ko muna ang dalawa dahil I need to find our seat, marami-rami na ring tao kasi medyo late kami. Dahil busy ako sa paghahanap ng table namin at kung saan-saan ako tumitingin, I accidentally bumped into someone. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobeang lakas ng pagkakauntog ko, tinaas ko ang tingin ko at nakitang si... si Blake ang nasa harap ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat, habang ang mukha niya ay walang pakialam.

"I'm sorry, I won't do it again." I said habang nakatingin sa malayo.

"Not sincere, sa malayo ka nakatingin. say it again." Mayabang na sagot niya. Nakakailan na 'tong lalaking 'to ah, ngayon na lang nga kami nag-kausap ganyan pa kung makapagsalita. Ayan ba 'yung result nung naging girlfriend niya si Hayleigh? Or baka madami pa siyang side chicks. Psh. Why would I care?

"Kung makautos parang slave ako eh. Rude." Bulong ko habang paharap sa kaniya. Tumingin ako sa both eyes niya para makita niyang sincere ako.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now