"Ano? Ayos ba 'ko mag-drive?" I asked confidently.
"Wait, Ayusin mo nga 'yang buhok mo." Sambit ni Kay at lumapit sa 'kin upang ayusin ang buhok ko. Tumingin ako kay Gwen na nakatingin sa malayo at mukhang may hinahanap.
"Girl, Sino 'yan ha?" I asked. Tumingin siya sa 'kin, nanlaki ang mata.
"Huh? Wala. Anong oras na ba?" Tumingin siya sa relo niya. "Hala!! Late na 'ko! Maiwan ko na kayo d'yan ha? Bye Girls." Tinampal muna kami ni Gwen bago tumakbo, hindi naman malakas at hindi rin masakit. Napahawak tuloy kami ni Kay sa pisngi. Naglakad na kaming dalawa papasok sa School.
Hindi pa kami naguusap ni Shawn simula kahapon kasi 'di ko sinasagot 'yung texts niya. What? Bakit ko ba siya iniisip? Hindi kasi ako mapakali. Maybe later? I'll talk to him? Or tomorrow? Next week? Aish, Nevermind.
"What time 'yung first period niyo?" Tanong ko while we're walking.
"Later pa, Mga 7:30." She responded habang umiinom ng gatas. Malapit na kami sa buildings ng Culinary pero mukhang 'di pa niya namamalayan na malapit na kami. "Ay girl, May chika ako. Alam mo ba, May narinig akong gossip tungkol sa grupo nila Jessic--" She didn't finish on what she's saying because she realize na nandito na kami. "Ay, maybe later na lang. By the way, Baka 'di na ko makasabay sa inyo mamayang lunch kasi may practice kami for cooking, I don't know. Tsaka 'yung," Lumapit muna siya sa 'kin at may binulong. "Mamaya sa Dean's office. Kailangan nating ireport 'yung incident kasi baka mas lalo pang lumaki ha?"
I nodded as a response. Aakma na siyang aalis nang bigla ko siyang pigilian. "Patampal din. Hehe." Tinap ko lang ang pisngi niya, ganun rin ang ginawa niya.
7:15 ang start ng first period namin kaya dumiretso na ko sa tourism's building. Although it's kinda far, Pero kaya naman. I was in the middle of walking when I saw a familiar face, nakaupo sa bench at mukhang may hinihintay. I pretended not to see him and just kept walking.
"Rallianne!" I suddenly stop walking, I slowly turned around with a numb face.
"Why?" I coldly said.
"Are you still mad? Look, I'm sorry. I didn't mean to upset you." He apologized. I know that he's sincere.
I fakely smiled, and looked at his eyes. "Alam ko na tama 'yung ginawa mo. But," I'm sensitive, Sorry.. "Nevermind, let's talk later. Shawn, Don't skip classes dahil lang dito, Magkaiba ang schedule natin ngayon." Mahina 'kong sabi.
"We'll talk later. Pumasok ka na sa room n'yo, You'll be late." He said. I left already without saying goodbye. Binigay niya sa 'kin last month ang schedules niya kasi nagkaproblem ang school, that's why naiba ang schedule ng tourism. He has training today.
"Grabe, Ang strict talaga nung prof na 'yun." Maddie said, We're just waiting for the next professor to go here.
"I know, Isang move mo lang parang papatayin ka na eh." I said ang laughed.
Nagkwentuhan pa kami habang hinihintay ang next naming professor, nang biglang may pumasok na.. Librarian?? Anong ginagawa niya dito? Umayos kami ng upo dahil ayaw naming mapagalitan.
"Hmm.. Students, I'm here to announce you that your next professor wouldn't be here due to a problem. You can do whatever you want. Just know your limits, that's it." She said at umalis na. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag.
"Britt, Una na 'ko ha? Pupunta muna akong cafeteria." Maddie said.
"Go ahead." She waved at me. I waved back too.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...