Nakita ko ang pagguhit ng samu't saring reaksyon sa mukha niya. Gulat, kaba at pagtataka."A-Anong sinasabe mo, Kaydence?" Kinakabahang tanong niya pero nagtataka.
"I saw a picture of you being so sweet with each other! Wow ha, private kapag kasama kami, tapos public pag wala na?! Napakagaling mong kaibigan, Ralliane. Napakagaling!" Galit na sigaw ko. Napayuko lang siya. "So totoo talaga, hindi mo manlang idedeny?! Ha?!"
Nagsisimula ng mamasa ang mga mata ko. Naghalo halo ang nararamdaman ko. I felt betrayed, mad and at the same time sad for her.
"Wow, so tatahimik ka na ngayon, Ralliane ha?! So totoo talaga?" Bigla akong natawa na parang nawawala sa sarili. "Ni hindi manlang naghintay makagraduate. Ano? Kating kati na ba? Gustong gusto mo na magboyfriend? Bakit Ralliane, mauubusan ka ba ng lalaki?" Saad ko.
Tumingin siya sakin. I can see her hurting with what I said.
"Ganyan ba ang tingin mo sakin, K-Kaydence?" Mahina pero paiyak na niyang sabi ko.
"Noon hindi. Pero ngayon? Ha! Ewan ko! Oo?!" Nababaliw na sabi ko.
Sasampalin niya sana ako pero pinigilan kami ni Gwen.
"That's enough." Malumanay na sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"T-Teka nga. Naririnig mo ba ang sinabe ko, Gwenevere ha? Ang sabi ko, Ralliane and Shawn are-"
"Alam ko." Napahinto ako sa pagsasalita. Biglang lumingon si Ralliane sa kanya.
"A-Alam mo?" Kinakabahang tanong niya.
Nakita kong napalunok si Gwen. "O-Oo. I saw both of you, outside our building. You hugged him and both of you kissed. I was supposed to buy something when I cam across our building and I saw you two." Mahinang sabi nito.
"Kailan pa?" Tanong ko.
"When I went out to eat dinner with," bigla siyang huminto sa pagsasalita. "With Ryden's family." Gumaralgal ang boses niya. And just by that, I already know what she meant. So all this time, they hide secrets from me? For their own good?
Instead na si Ralliane ang sampalin ko, kay Gwen dumapo iyon. Sobrang lakas, napatagilid ang ulo niya at namula ang pisnge.
"A-All this time, we've been together for like, almost everyday Gwen! You didn't even care to tell me? Para ano? Para mafeel mo na tama yang ginagawa mo kasi mayroon namang nauna sayo? Ganun ba ha?!" Galit na galit na sigaw ko. Nadudurog na ang puso ko. "Ano ba?! Bakit niyo ba sakin ginagawa 'to?! Ano bang ginawa ko sa inyo?" Napapaupong sabi ko at tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Bakit naman ganito?
"I-Im sorry. H-Hindi ko sinasabe sayo k-kase gusto ko sanang si R-Ralliane na magsabi. D-Dahil wala ako sa posisyon." Pahinto hinto ang pagsabi niya dahil sa hikbi. Umiiyak na rin siya. Dahil sa sinabe niya tinignan ko siya.
"Wala sa posisyon? KUNG ALAM MONG MASASAKTAN ANG KAIBIGAN MO DAHIL DON, SA TINGIN MO WALA KA SA POSISYON PARA TULDUKAN NA TONG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO?!" Sigaw ko na sa kanya. Hindi ko na macontrol ang galit na kumakawala sakin.
"Yun na nga e. Hindi ko masabi kasi alam kong masasaktan ka." Umiiyak na sabi niya. Tahimik lang si Britt.
"So hahayaan mong lalong lumalim tong nararamdaman ko? Hahayaan mong iba pang tao ang magsabi sakin ha?" Malamig na tanong ko. "Napakawalang kwenta niyo naman. Ano? Gusto niyo ako lagi ang nasasaktan dito?" Nahihirapan ng sabi ko. "P*cha, nilayuan ko ang taong mahal ko para sa l*nt*k na rules na yan. Tinaboy ko, tinulak ko palayo para lang masunod yang rules na yan. Knowing na sinkreto mo saming dalawa ni Blake ang nararamdaman namin para sa isa't isa! Ano Gwen? Gusto mo ba talagang ikaw lagi ang bida katulad ng sinabe ni Jessica? I sacrificed the love of my life just to save that d*mn rules na hindi niyo naman sinusunod! And know, he hates me! He doesn't love me anymore! And that's because of you, Gwenevere and Ralliane. It's both of your fault."
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...