Chapter 43

10 4 0
                                    

Britt

"Kaydence, Gwenevere alis muna 'ko mga babes ha? Babalik rin ako don't ya worry." Paalam ko. Lumabas na 'ko ng condominium namin at hindi na pinatapos ang sasabihin nila. Pupunta ako sa bahay nila Shawn hihi, I'll bring him the cupcakes that I baked. Hindi ko na sinabi sa kaniya na pupunta ako sa kanila para surprise.

Nag-hintay muna ako saglit ng taxi para masakyan. Ayoko gamitin yung kotse namin kasi tinatamad ako magdrive hehe. After 5 minutes may dumaan na rin na taxi, it's 9:00 AM already. Pumasok na 'ko ng taxi at naglabas ng wallet. 

"Saan po tayo, ma'am?" Binigay ko ang address nila Shawn. Binayaran ko na rin si kuya para lalabas na lang ako mamaya. 

Finally, I've arrived sa napakalaki nilang BAHAY na may pagkarami-raming KOTSE. Lumakad na 'ko sa front gate nila para mag door bell nang mapansin kong nakabukas ang MALAKI nilang gate. 

It's Shawn's parents!! I did not expect na nandito sila kasi nabanggit sa 'kin ni Shawn na laging out of the country ang mga magulang niya. Lumapit ako sa kanila at binati sila. "Hello po, Good morning." I smiled. 

Napalingon sila sa 'kin na gulat ang ekspresyon. "Oh, Rallianne! What brings you here?" Bati sa 'kin ng mommy ni Shawn at nakipagbeso. Kinawayan at nginitian lang ako ng Daddy ni Shawn dahil may inaayos siya sa loob ng kotse. Nakabihis sila at mukhang aalis. 

"Oh, Ibibigay ko lang po 'to kay Shawn." Pakita ko sa cupcakes. 

"Oh how sweet of you..." She said "Oh wait, have you heard, my son has a fianc--" 

"Hon, Let's go. Male-late pa tayo sa meeting." her husband said. 

"Oh, Rallianne we got to go. Tumuloy ka na lang iha, maybe nasa kitchen lang 'yun si Shawn."

"Oh okay po, Take care po." Sambit ko at hinintay na makaalis sila. 

Pumasok na 'ko sa bahay nila, I mean sa front yard nila. Ang laki laki kasi ng bahay including their garage. Dumiretso na 'ko sa front door at hindi na kumatok. Tumakbo ako papunta sa kitchen nila. Medyo kabisado ko na rin itong bahay nila kasi one time pumunta na rin ako dito with my group mates. 

Pagkarating at pagkarating ko sa kitchen nila I saw him... I saw him TOPLESS! And that makes me blush!

"OH MY GOD! I'M SO SORRY!" Sambit ko at tumalikod, Hala! Nakakahiya! Anong gagawin ko?

"Britt? Is that you?"

"H-huh? Y-yeah! Magsuot ka nga ng damit!" Sigaw ko habang tinatakpan ang mata.

I heard him chuckling. "Alright, masusunod po." Sinenyasan niya akong maupo sa living room habang kumukuha siya ng damit sa room niya. Gosh, yung abs... HA?! Nagoover-thing nanaman ako! Erase, erase... 

Wala pang idang minuto ay nakababa na siya, lumapit siya sa 'kin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ko. I felt his warm over my body, I didn't realize that I'm smiling...

"What brings you here? I missed you."

'I missed you... Ehhh, ano ba.' Pinigilan 'ko ang ngiti mula sa labi ko, dahil alam kong aasarin niya nanaman ako mamaya. Inabot ko sa kaniya ang cupcake. "Happy Birthday." I smiled. 

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now