Chapter 18

25 5 0
                                    

Gwen

"Mmh, Gwenevere Serenety, would you like to dance?" 

Napatingin ako kay Ryden ng alukin niya ko. I looked at Kaydence who's looking at me blankly. But then she nodded. I sighed. 

Hinila na ko ni Ryden papuntang dance floor. Hindi ako makatingin sa kanya ng ilagay niya ang kamay sa aking bewang. Napapalunok naman ako ng ilagay ko din ang aking kamay sa balikat niya. Nagsimula na kaming gumalaw. Isa lang ang masasabi ko ngayon, awkward.

"Ganda mo ngayon miss sunget ha. Good mood ka ata at hindi moko inaaway." puri ni Ryden

"T-thank you." nauutal pang sabi ko.

"Grabe, worth it yung pinaghirapan natin kahapon 'no? Ganda ng venue e." sabi niya habang tumitingin pa sa paligid.

"Oo nga e." I said while still avoiding his gaze.

"Naalala ko si Magdangal, nahulog siya sa may painting kaya pagtayo niya yung puwetan niya, mukha siyang natae." natatawang kwento niya.

Natawa na din ako. And just like that nawala ang awkwardness naming dalawa. Nagtatawanan lang kami habang sumasayaw. Napapatingin pa nga ang katabi naming sumasayaw saming dalawa. 

Natapos kaming sumayaw kaya bumalik na kami sa pwesto. Inaya ako kanina ng emcee na magperform kasama sila Britt. Syempre pumayag ako, di naman ako mahiyain e. Oo na, tama na kayo ng iniisip, walang hiya talaga ko.

After naming magperform ay sumayaw ulit kami. Masaket na ang paa ko pagkatapos dahil maraming nag aya saken sumayaw. 

"Hi Gwenevere. Can I have a dance?" napatingin ako sa nag aya sakin. Nagulat ako ng makitang si Stephen yon, yung Med student? 

"Uh, sure." 

Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta na kami sa dance floor. Habang nagsasaway kami ay napatingin ako sa pwesto ni Ryden. Nakatingin siya kay Stephen. Pero hindi lang basta nakatingin, he's glaring at him! Bakla ba siya? May gusto ba siya kay Stephen? Hala baka awayin ako, sabihin inaagaw ko pa sa kanya yung fafa niya. Natawa ako sa naisip ko.

"Why are you laughing?" Stephen asked.

I raised my brows at him, "Why do you care?" 

He shook his head. I rolled my eyes at him and ended the dance. I went back to our table and sat beside Ryden.

"Bakit mo tinitignan ng masama si Stephen? May gusto ka sa kanya 'no? Umamin ka nga bakla ka ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. 

Pinanlakihan niya ko ng mata dahil sa mga tanong ko. Natawa naman ako sa reaksiyon niya. Parang nahuli siya sa masamang ginagawa niya. 

"A-anong pinagsasabi mo jan?" nauutal pang sabi nito.

"Ay, confirmed. Bakla ka nga. Okay lang yan beshy, turuan kita magmodel." hinampas ko pa siya sa braso at natawa. 

"Hindi ako bakla 'no." sabi nito at tumuwid ng upo.

"Sus, beshy wag mo ng itago saken." pang aasar ko pa.

"Hindi nga ko bakla. Gusto mo halikan kita?"

Agad naman akong napatakip sa bibig ko ng sabihin niya yon. Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Joke lang." he said and laughed. I awkwardly laugh at him too. 

Maya maya lang din ay bumalik na si Blake kasama si Kay at Britt. Nagsasayaw ata sila.

"Anong ganap babes?" tanong ni Kay.

"Saken wala," tinuro ko si Britt ng makitang tulala nanaman. "Baka yan meron." 

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now