Chapter 62

12 3 0
                                    

Britt

Time flies so fast, it's now June. I'm walking down the hall kasi pupunta akong cafeteria and I'm with Shawn, Nilabas ko ang phone ko at nakitang marami nang text si Gwenevere at Kaydence na kanina pa sila naghihintay.

"Your hand is so soft." Sambit niya at winagayway ang kamay ko.

"So are yours," I smiled and he smiled back. "Dalian na natin ang lakad, kanina pa daw sila naghihintay." Tumango siya at pinagpatuloy na namin ang lakad.

Nang malapit lapit na kami sa cafeteria ay bigla naming nakasalubong si Ryden, binitawan ko ang kamay ni Shawn nang bigla siyang tumingin a gawi namin.

"Oh! Shawn, Britt, kanina pa kayo hinihintay nung dalawa d'un." Lumapit si Shawn kay Ryden at nakipag fist-bump.

"Oo, they texted me, bakit ka nandito?" I said.

"Hinahanap ko kasi si Blake, He's not joining us tuwing Lunch Break."

"I know, I noticed too. Rallianne, we will just go around and find Blake." Sambit ni Shawn, tumango ako at nauna ng pumunta sa cafeteria.

"HOY! Tagal mo naman girl." Sigaw ni Kay.

"HOY! Tagal mo naman girl." Panggagaya ni Gwen. Naupo na 'ko sa tabi ni Kaydence dahil may bag na nakalagay sa tabing upuan ni Gwen.

"Sus, Nanggagaya na you, palibhasa 'di nakaattend sa Instagram live ng favourite niyang actor kagabi! wahahahaha!" Pangaasar ni Kay.

"Naku Kay, 'di ka nga napansin kahit ilang message ka na sa iba't ibang social ng favourite ACTOR mo! HAHAHAHA!!"

"Uy! Nakatingin na sa inyo 'yung mga students dito," Tumingin tingin sila sa paligid at napahiya nang marealize nila. "See? WAHAHAHA--" Napalakas ang tawa ko kaya napatakip ako ng bibig, Umiling ang dalawa. Umayos ako ng upo at nakinig sa pinaguusapan nila.

"By the way, nasaan 'yung dalawa?" Tanong ni Gwen.

"They're trying to find Blake, 'di na daw kasi sumasabay sa 'tin every lunch break." I responded at uminom ng tubig.

"Hmm.. He's not replying to all my messages too, last month pa 'yun eh." Sagot ni Gwen, tumingin kami kay Kaydence na tumahimik sa gilid. Lumingon siya sa amin at nagpakipot pa.

"Huh? Luh, I didn't do anything." She said and nervously laughed.

"Girl, sobrang close kayo nun, what happened?" Gwenevere asked her.

"I don't know? Who knows? Bigla na lang siyang hindi namamansin." Tumango kaming dalawa, at umupo na nang maayos.

Nakita namin si Shawn at Ryden na kasama si Blake, nagbabatukan pa. Hinihila ng dalawang lalaki si Blake dahil ayaw pumunta dito.

"Blake!!" Sigaw ni Gwenevere at kumaway. Sinilayan ko si Kaydence na bigla na lang lumaki ang mata at tumitingin sa gilid habang tinatakpan ang mukha niya gamit ang kanyang buhok.

Umalis ako sa tabi ni Kaydence at umupo sa dalawang vacant seat. Pinaupo ng dalawa si Blake sa tabi ni Kaydence.

"YIEEEE, OMG!" Sigaw ni Gwenevere.

"AHAHAHAHA! Tulala ka na bro! Yieeee." Sigaw ni Ryden pabalik. Si Shawn naman ay mahinang tumatawa. Then here's me, tawa ng tawa habang pumapalakpak at pinagpapalo ang katabi ko.

"Aray ko, Britt ha.." Sambit ni Gwen at hinawakan ang braso niya habang tumatawa.

"para tayong-- WHAHAHAHA, highschool-- WHAHAA SANDALI, Dito!!" Sigaw ko at 'di namalayang pinagtitingnan ulit kami ng mga estudyante dito, we sat down already dahil ayaw naman naming maguidance.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now