Kaydence
Ang bilis matapos ng oras, October na agad. As much as I want to say na masaya ako, pero hindi talaga yun ang nararamdaman ko. This past few days, everyone seems so busy. Shawn is busy and sometimes ignoring me, like usual. Britt and Gwen are busy too. Hindi na nga kami nagkakasabay kumain. Madalas kasi gabi na sila umuuwi, kumakain agad, natutulog agad or hindi umuuwi. I started to feel lonely. Hindi ko naman pwedeng tawagin si Jerome at papuntahin dito dahil malayo pa ang pupuntahan niya. From Batangas hanggang Manila?
Naassign kasi si Jerome na maglipat lipat ng school since isa siya sa mga top student sa Wilson. Katulad din ng Ravenwoods and Wilson. Ang pinagkaiba lang, Wilson is only for college. While Ravenwoods is open for all levels of educations.
I sighed as I finished my breakfast for today. As usual, Britt is still sleeping while Gwen is already gone. Maaga na talagang pumapasok si Gwen dahil yun na ang laging start ng klase niya. Since malapit ng magsembreak, at finals na ulit naggagahol talaga siya sa oras. Dahil mahirap na course talaga ang CE, di tulad ng sakin na luto luto nalang. Though mahirap din siya, mas mahirap parin talaga ang CE.
Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na iyon at nagstart ng mag ayos ng sarili ko. But before that, I wake up Brittany first.
"Ralliane! Bumangon kana jan! Ano ba, tanghali na papasok ka pa ba?" paggising ko. Ungol lang ang sagot niya. "Ralliane, may pre-exam kayo ngayon diba?!"
"Mamaya pa pasok ko, 2 pm." inaantok pang sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siya. I guess, ako lang ang mag isang papasok ngayon. Naligo, nagbihis at nag ayos ako ng gamit bago umalis. Hindi ko na nilock ang condo dahil andon pa naman si Britt. Nag iwan nalang ako ng note paggising niya.
Dahil na kay Gwen ang susi ng kotse namin, nagcommute nalang ako. I chose taxi dahil baka mahaggard ako sa jeep. May presentation pa naman kami.
Nang makarating sa school at nasuot na ang ID, agad akong pumasok. Mahirap ng makasalubong ng magjowa sa daan mabibitter lang ako.
Pagpasok sa room ay halos wala pang mga tao. I guess we're only 15? Maaga pa naman kasi. It's only 10 pm, 11 pa ang start ng pasok namin. Hindi na rin ako nakadaan sa room nila Gwen dahil paniguradong nagstart na sila. Siguro mga 6 or 7 umalis si Gwen. Ganun talaga pagbusy, inintindi ko nalang.
Nakatingin lang ako sa bored habang hinihintay tumunog ang bell ng building namin. And then napatingin ako sa pinto ng pumasok doon si Blake na nakacling pa sa braso si Hayleigh. Parang nawalan ako ng gana. Lalo na ng makita kong hinalikan pa ni Hayleigh si Blake at tumugon naman siya! Napailing nalang ako at napagdesisyonang wag pumasok sa subject na to. Makikiseat in nalang ako sa ibang sub. Bakit ko ba kasi kaklase siya sa subject na to?
Binitbit ko ang bag at lumabas ng room. Nabangga ko pa nga ng mahina ang balikat ni Hayleigh ngunit umirap nalang ako at mabilis na naglakad papuntang second floor.
Naramdaman ko nalang na napaupo ako ng makarating sa room na wala pang katao tao. Siguro mamaya pa ang klase dito. Pumasok muna ako dahil hindi naman nakalock at umupo. Nakatulala lang ako sa whiteboard at naramdaman ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
Ang sakit padin pala. Akala ko kapag iniwasan ko siya, mawawala na tong nararamdaman ko. Hindi parin pala. Gusto kong may makausap pero sino? Hindi ako pwedeng magsabi kay mama at papa dahil alam nilang engage ako kay Shawn. Hindi rin naman pwede kay Kuya dahil busy siyang ihandle ang company namin sa Mindanao. I feel so lonely. Bakit ganito?
Sa sobrang saket ng nararamdaman ko, hindi ko na kinaya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong tinawagan si Caleb. Dahil kahit ex crush ko siya, lagi niya akong kinakausap.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...