Chapter 66

7 2 0
                                    

Minulat ko ang mata ko at inis na pinatay ang alarm clock. Ngunit nang itataas ko na iyon ay hindi ko magawa. Tinignan ko iyon at napagtantong magkahawak kamay pala kami ni Ryden natulog habang yakap niya ako. 

Bumalik na naman ang alaala sakin kagabi kaya napangiti ako. Ayoko na sanang matapos ang gabing yon kaya lang inantok na kami. Alam ko namang mayroon pang the best kaysa doon. 

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sakin pagtapos ay dahan dahan ding tumayo. Pinatay ko na ang alarm at hinalikan muna siya sa pisnge bago dumiretso sa CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina niya at naghagilap ng pwedeng lutuin. Since Im not a professionally chef at onti lang ang alam kong lutuin, nagprito nalang ako ng spam at nagluto ng cornbeef. Pagtapos ay nagsaing ako at hinanda ang mga pagkakainan naming dalawa.

Napangiti na naman ako ng maisip na araw araw ko 'tong gagawin sa kanya kapag gigising sa umaga. Alam kong nakakapagod pero worth it naman dahil siya ang makakasama ko. Hays, sana siya na talaga ang ibigay sakin ni God.

Pagtapos kong maghain ay nagcellphone muna ako.

"Goodmorning, love." 

Pinatay ko na ang cellphone ko at tinabi. Ngumiti ako sa kanya at nilagyan siya ng kanin sa pinggan.

"Goodmorning din. How's your sleep?" malambing kong tanong.

"Great! Because I slept with the most amazing person I know." he smiled at me.

"Aww, ang sweet talaga. Hays, kumain na nga tayong dalawa. Baka malate pa tayo." sagot ko. 

Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos non ay nag ayos at pumasok na sa school. Nag aral lang kami, quiz and then meet with friends. As usual, Blake is with Hayleigh again. And then yun lang ang nangyari buong school day. Hindi ulit ako sumabay kila Britt. 

"Love! I heard na may opening ngayon ng bagong Korean store dun sa may BGC, samahan moko love! Magtitingin tingin ako." pangungulit ko sa kanya. 

Napabuntong hininga siya tapos ay pumayag na din. Ako naman ay tuwang tuwa dahil makakakain ulit ako ng Mochi yung favorite ko saka macaroons. 

Pagkarating namin don ay dumiretso ako ng pasok at kumuha agad ng mochi dun sa ice cream area. Chapseoltteok ata tawag dito sa kanila? Basta mochi nalang para saken. Kumuha ako ng anim dahil tag dadalawa kami nila Kaydence. And then macaroons na puro chocolate at green tea flavor. Nung magbabayad na kami sa counter ay nakita namin si Stephen.

"Gwen?" tawag sakin ni Stephen. 

Napapikit ako bago tumingin kay Ryden at hinawakan siya sa braso.

"Hi, Stephen." naiilang na sabi ko.

Tumingin siya saken bago kay Ryden at sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Nawala ang ngiti niya ngunit bumalik din agad.

"How are you? Do you have time tomorrow?" tanong nito na nasa akin ang tingin.

Tumikhim muna ako bago tumingin kay Ryden. Seryoso lang siyang nakatingin sa kung saan. Hinaplos ko ang daliri niya bago sumagot kay Stephen.

"Ahm, wala kong time. Busy kasi ako, sorry." sagot ko.

"Oh okay. Maybe next time. Sige ingat ka. I mean, ingat kayo." sumulyap muna siya kay Ryden ng may matalim na tingin bago umalis. 

Naramdaman kong kumuyom ang kamao ni Ryden bago suminghal. 

"Tsk. Bilisan mo na nga magpunch." inis na sabi nung Ryden dun sa cashier.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now