Gwen
After that nakakalokang roadtrip na yon na napunta sa pagkaligaw namin. Heto na kami ngayon pauwi na. Medyo kinabahan nga ako ng slight nung una. Pero enjoy kasi nakasama ko mga kaibigan ko. Pati si Ryden myloves. Ehe, parang naninibago ako na nililigawan na niya ko. Tanda ko pa mga bangayan namin.
So andito na kami, sa condo namin at nag aayos kami ng gamit. May pasok na ulit bukas, and I hate Mondays kasi marami kaming inaaral sa araw na yon. Ah basta, ayoko ng Monday. Tapos dumagdag pa na magkakafamily dinner kami sa Rizal bukas after ng class ko. Papahatid nalang ako kay Ryden. I don't want to see my dad pa naman and Hailey after what happened nung nakaraang buwan. Birthday ko wala silang kibo, si mama lang. How cruel my life is. Sabihin ko mamaya, de joke.
"Ready kana ba sa family dinner niyo?" pang aasar ni Kay.
"Ikaw nalang kaya." Pikong sabi ko at umirap.
Tinawanan niya lang ako. Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Nilock ko yon bago binuksan ang macbook ko at nakipagskype kay Ryden.
"Hello, love." Bati niya agad pagsagot palang ng tawag.
Namula naman agad ako. Kainis, kilig agad wala pa nga.
"Wag ka nga diyan. Di pa nga kita sinasagot eh." Sabi ko.
"Eh kailan mo ba kasi ako sasagutin?" pang aasar niya.
"Secret." Sagot ko at tinaas baba ang kilay ko.
"Kaexcite naman. Nga pala, balita ko may Family Dinner daw kayo bukas?"
"Luh, pano mo nalaman. Stalker ka 'no?"
"Hindi naman. Sinabe lang ni Blake."
"Ah oo sinabe ko kasi sa kanya. Hehe, may modelling pa naman kami bukas kaya lang di ako makakapunta dahil nga family dinner kaya pinaghanap ko ng bagong partner pansamantala si Blake."
"Good. I was wondering too. Ako nalang kaya ang pumalit sa kaniya na partner mo sa modelling?"
"HAHA, bakit nagseselos kaba?"
"Oo."
Namula na naman ako. Grabe ako nagtatanong tapos mamumula ako dito. Malandi talaga ko, charot.
"Nga pala, next week na birthday mo. What do you want for your birthday? What are your plans?"
"You."
Naspeechless na naman ako at namula. Emeged, weg keng genyen Ryden beke segeten kete begle.
"H-Ha?"
"Im serious. What I want for my birthday is you, your presence and more. About the plan, I was thinking if I just celebrate it with our friends then later is our moment only? Kaso naisip ko na baka ayaw mo, you know baka maghinala si Kay."
"What? It's okay for me. Let's do it!"
"You sure?"
"Of course!"
"Great! I gotta go now. May gagawin pa kasi ako about dun kay Rylie. You know, her addiction in vampire diaries." Sabi niya at napairap.
"What?"
"Bumili kasi siya ng stuff toy na si Tyler na galing pa mismo sa Atlanta. Iniistress ako ng kapatid ko grabe!"
"Unfair bakit ako wala?!"
"Don't worry, love. Bumili din si Rylie ng Stefan na para sayo. Kaso oops, surprise niya pala yon. Anyway, mag acting ka nalang na surprise kapag binigay na niya sayo."
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...