Chapter 77

5 3 0
                                    

GWENEVERE

Days passed so fast, october na ulit. And Im so excited dahil mag 5 months na kami ni Ryden. Pero napapansin ko lately, he's been cold to me. Like he ignore my calls and texts sometimes. Minsan hindi niya ako nasasamahan sa mga date namin.

And habang patagal ng patagal, Im starting to be suspicious. Im starting to doubt him but Im trying to stop it because it's not fair.

So here I am, inside my room. Feeling ko ako lang mag isa dito sa condo kahit andito naman si Kaydence. Mostly ang wala dito ay si Britt. Dun na ata natutulog 'to sa Rizal. Why do I feel like lonely? It's because I feel like Kaydence is avoiding me or something. May alam ba siya?

Im watching The Vampire Diaries for the nth time. Halos alam ko na ata mga galaw at salita nila. Wala lang, maganda kasi siya. Saka pampawala na din ng boredom. Saka wala na kong makitang ibang palabas or series dahil hindi talaga patok sa taste ko. Well except Teen Wolf and The Originals. TVD muna ngayon kasi kakatapos ko lang ng TO at TW. Hehe sorry na nagbabinge-watch lang baket ba? Alam ko namang adik na ko sa Supernaturals e.

"Gwen kakain na." tawag sakin ni Kaydence.

Ini-stop ko muna at lumabas ng kwarto. Kaming dalawa lang ni Kaydence ang kumain ng sabay. Kaso iba e, ang tahimik. Dati naman kapag kumakain kami maingay.

Habang kumakain ay panay sulyap ko sa cellphone. Hinihintay ko kasi ang reply ni Ryden sa text ko. Kahapon ko pa yon sinend, hanggang ngayon wala paring reply. Kahit seen wala. Nagtataka na talaga pero inintindi ko nalang. Inisip ko nalang na baka busy lang talaga.

"Gwen kumakain tayo. Please wag ka muna magphone. Respeto sa pagkain." sita ni Kaydence.

"Sorry." agad kong pinatay ang cellphone ko at inubos ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas dahil wala si Britt. Pagkatapos ay pumasok sa kwarto at pinagpatuloy ang panonood. Mayamaya pa ay nagreply narin si Ryden sa wakas.

Mahal, busy kaba? Ask q lng kng, pde m aq ihatid s bhy s Rizal. Pnpatwag kc aq n Dad.

Mahal<3: Love slr, nadrain kc yng cp q. D nmn aq bc, usto m aq n mghatid syo s bhy nio? Iloveyou :*

Napabuntong hininga nalang ako. Yan ang lagi niyang dahilan sakin sa tuwing di siya makakapagreply. Nadrain ang phone, nakalimutan ang phone or nasira. Di ko na mabilang kung ilang beses na siyang nasiraan. Pati ata ulo ko masisira na. Wala eh, mahal ko talaga siya.

Nagreply naman ako ng sige at sinabe ang time ng pagsundo at hatid niya sakin. Nagbihis muna ako ng simpleng t shirt na pink at flowing skirt na floral. Mayamaya ay nagtext na din si Ryden na nasa parking na. Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay Kaydence bago pumunta sa parking.

Pagpasok ko sa kotse ni Ryden ay agad siyang nagmaneho. Napangiti nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko habang nagdadrive siya. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan yon. Ngumiti ng bahagya si Ryden at hinalikan ako sa pisnge.

Pagdating namin sa bahay ay hinarap niya ako.

"Magtext ka nalang sakin kung tapos ka ng kausapin ha? Susunduin agad kita. I love you." sambit niya.

"Okay. I love you more."

I kissed him on the lips before unbuckling and I went out of the car. I waved at him first before he drove away. I sighed again and went inside.

Hindi ko inaasahan ang biglang pagsampal sakin ni Daddy. Pagkapasok na pagkapasok ko ay yun ang bumungad sakin. Sa sobrang lakas at gigil ay napatabingi ang ulo ko. Parang piniga ang puso ko at hindi nagpoproseso sa utak ko ang pagsampal ni Daddy. Ramdam mo doon ang galit, inis at disappointment.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now