"Love, sure ka ba don sa Jennifer na yon?"
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Why did you ask me that? Of course. I trust her because my heart told me." sabi ko.
"Okay." and we continue to eat.
Nandito kami ngayon sa restaurant nila Kaydence. Nagdedate kami. But this is not just a date. It's a study date. Para di mahalata alam niyo na. Saka may pre-exam kasi kami para sa second sem. So it all make sense.
Habang kumakain kami dito ay may nakapatong na mga papel, ballpen, libro at sariling laptop sa table namin. Kaya medyo puno na din ang table namin. Dito kami nakaupo sa pang apatan na upuan pagkatapos ay magkaharap kami ni Ryden. So ang isang mesa ay napuno ng pagkain, at ang isa naman ay mga papel.
Nagtatype ako sa laptop ko habang ngumunguya ng burger na isinubo sakin ni Ryden. Take note, isang buo sinubo sakin. Halos mabilaukan ako sa kakaubo. Walangya 'tong bwiset na 'to balak pa ata akong patayin.
Ubo lang ako ng ubo habang hirap ngumuya, tapos si Ryden ay tawang tawa na hinahagod ang likod ko. Nang nawala na ang ubo ko ay sinamaan ko ng tingin si Ryden na lumipat pa talaga ng upo sa tabi ko, daladala ang laptop niya. So ang nangyari, nilipat niya yung ibang papers sa pinagpwestuhan niya kanina.
"Langya ka, balak mo pa kong patayin. Di mo na talaga ako mahal!" singhal ko.
"Sorry na mahal. Ang cute mo kasi kapag lumulubo ang pisnge mo. Like this." tapos ginaya niya yung itsura ko.
"Ha-ha-ha. Sarap mong batukan." inis na sabi ko.
Inirapan ko nalang siya at patuloy sa pagtype. Tapos si Ryden ay todo na ang pangungulit sakin. Sarap talagang batukan. Sinasamaan ko na nga ng tingin ayaw pa tumigil. Pwede naman saktan ang boyfriend diba? Understanding naman yon. Dali na isa lang. Sa sobrang kakulitan niya ay sinasamaan ko nalang siya ng tingin.
Naalis lang ang paningin ko sa kanya ng marinig kong umurong ang upuan. Sabay kaming napatingin don at nagulat ako ng makitang nakaupo don si Blake na may ngiti sa labi habang nakatingin samin. Luminga ako sa paligid, nagbabakasali na makita si Kaydence pero wala. Good, dahil nandito ang maharot na haliparot na sobrang landot na si Hayleigh. Binabawi ko na, hindi na pala kay Ryden. Kahit isang malakas na to the mega mega super super duper duper lakas na sampal lang sa Hayleigh, to the point na matatanggal ulo niya.
Sobrang sobrang sobrang kapal ng mukha na umupo dito. May paflip pa ng hair niya na sobrang dry may kuto pa. Reyna ata 'to ng mga kuto e. Sarap tirisin, gggrrrrr.
Inirapan ko siya at di sila pinansin. Wala din namang sense kung papaalisin ko sila, dahil ang rude ko naman non. Ngunit naoffend na naman ata yung kutong lupa sa pag irap ko kaya dumada na naman.
"Why did you rolled your eyes on me? Do you want me to take that bitchy eyes of yours?!" inis na sigaw nito.
"Sige subukan mo, mauunang mawala yang sa iyo." sabi ko.
"Argh!! You are so nakakainis! Lagi ka nalang umeepal! Bakit di kanalang mawala sa mundo?!" inis na sigaw ulit niya.
"Wag kang mag aalala, hindi mo na ako makikita. Kasi ako mismo magpapawala sayo sa mundo." sabi ko't iniripan siya.
"Ang tapang mo talaga. Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" sigaw niya at tumayo.
Inirapan ko lang ulit siya at nagtype na ulit. Nagulat ako ng bigla niyang buhusan ng juice yung laptop ko dahilan para magshutdown yon. Nanlaki ang mata ko at napatayo. Si Ryden at Blake din na walang imik kanina ay nagulat sa ginawa ni Hayleigh. Blanko akong tumingin sa bruhang yon at ngumisi naman siya.
YOU ARE READING
Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)
RomanceWhat will you do when you are left with only two difficult options? Forget friendship or forget love? ~*~ The trauma of love was planted in their minds and hearts. They despise it. Nakatatak sa isip nila na puro sakit lang ang dulot ng pag ibig na y...