Chapter 48

10 2 0
                                    

"Bruha, bakit gabi ka na umuwi kagabi? Antagal niyo naman gawin yung pinagawa sainyo ng prof niyo." Tanong ni Kay sakin paglabas niya ng kwarto niya.

"Ano, kasi mahirap yung niresearch namin. Tungkol kasi yon sa ano, sa matibay na pundasyon para sa isang building." Pagdadahilan ko.

Pasimple akong lumunok saka nanood ulit ng TVD. Pang eleven ko na 'tong panonood. Wala lang, ang ganda kasi eh.

"Ah, sanaol talaga may utak bessy. Ako kasi nag iisip pa ko ng bagong lulutuin para ipresent next week. Hirap mag isip girl." Reklamo niya saka kumuha ng toasted bread ko.

"Oy epal. Aken yan eh! Gumawa ka ng sayo." Sigaw ko at kinuha yung toasted bread na may palaman na nutella.

"Damot." Nakangusong sabi niya at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape niya. "Nga pala, ano oras pasok mo inday?"

"10 pa." sabi ko at nilipat na sa isa pang episode dahil tapos na.

"Oy bruha, 9:06 na." saad niya kaya napabalikwas ako.

"Ay tipaklong! Bwiset malelate na ko! OMG bakit ngayon mo lang kasi sinabe bruha ka!" natatarantang sabi ko at pinatay na ang laptop.

Kainis, mamaya ko nalang tatapusin 'to. Kinuha ko na ang tuwalya saka pumasok sa banyo sa may kwarto ko. Binilisan ko ang pagligo. Buti nalang at naplantsa ko na agad kagabi yung uniform namin. Paniguradong mag aapura na naman ako. Sinuot ko agad yon at nagsuklay ng buhok. Ni hindi ko na nga napatuyo ng maayos yon kaya may natulo pa. Pagtapos ay nagtoothbrush na ko saka nagpaalam sa kanila.

Balak ko sanang magtaxi kaso wag na lang kaya nagjeep nalang. Mahirap kasi maghanap ng taxi dito eh. Buti nalang din at hindi traffic kaya 9:50 nakarating ako sa room. Hinihingal pa ako dahil tinakbo ko ang gate hanggang dito sa room. Nag aalalang napatingin sakin si Ryden na nasa tabi ko.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Yeah. Nalate lang ng kilos kaya nagmadali ako." Hinihingal na sabi ko.

"It's fine. Kararating ko lang din. Balak ko sanang sunduin ko kaso baka ayaw mo." Sambit niya.

Hindi na ko nakasagot dahil dumating na yung prof namin. Nakinig nalang ako at nagrerecite. Syempre kailangan yon dahil dagdag grade. Lumipat naman kami ng kabilang building para sa next sub which is yung Civil Engineer Law. Eto ang hate ko dahil kailangan kabisaduhin ang terms. Tapos magrerecite sa harapan. As usual lagi kaming nakakapagrecite ni Ryden pati yung iba naming kasama. Next sub na naman kaya lilipat na naman kami. Andito kami ngayon sa elevator dahil nasa 5th floor ang room na yon. Makakatabi naming ata ang room ni Kay kaya sisilipin ko kung andun na siya.

"Gwen, sanaol talaga may ganyang klase ng utak. Para atang memory card yang brain mo, masyadong maraming alam. Sanaol DL." Puri ni Gemima sakin.

"Mag aral ka kasi Gem, wag puro tayo kaharutan." Sabi ko at natawa naman si Lisa.

"Grabe ka ha. Wag harutan pero sobrang sweet nila ni Ryden kanina naghahampasan pa. Sakit niyo nga sa mata eh." Pang aasar ni Lisa.

"Ganto talaga ko Lisa. Kahit kay Blake ganito ako. Basta kaclose ko." Mayabang na sabi ko. Hindi naman nila masyadong nakikita kami ni Blake kaya hindi nila alam na joke lang yon. Kailangan lang ng reason para mapagtakpan ang pagmamahalan namin ni Ryden.

I will reveal din naman eh, after graduation. I just don't have the courage to tell it. Nahihiya kasi ako hindi dahil kay Ryden, kundi dahil nasira ko ang rules namin. Wala eh, I can't stop and I don't want to.

Nandito na kami sa third floor kaya lumabas na kami. Nasa tapat na kami ng room ni Kay kaya sinilip ko siya. Andun na siya, at pansin ko na naman na hindi sila nagpapansinan ni Blake. Nakita ako ni Kay kaya kumaway siya sakin. Si Blake naman ay kinindatan ako. Tinawanan ko lang sila bago kami pumasok sa loob ng room, katabi lang nila.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now