Chapter 47

8 2 0
                                    

Gwen

It's been a few months since our Palawan vacation and here we are again at the library, studying. Nagkasakit pa nga 'yang si Brittany pagkauwi ng condominium kaya ilang araw rin siya hindi nakapasok sa school. Pasukan na naman ulit kasi at 2nd year na kami. Kasalukuyan kaming nagbabasa at katabi ko itong si Kaydence na tulaley na naman. Kaya naman binunggo ko ang balikat niya ng mahina kaya tinignan niya ko ng masama.

"What?!" singhal niya.

"Why are you not reading? Magrereview ka diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Minimemorize ko na nga eh." Sabi niya at tumulala ulit.

"Nagmememorize pero natutulala? Kakaiba ka din eh 'no?" sambit ko.

"Ano kaba, wag mo ngang guluhin yung style ko. Magreview ka nalang jan kung magrereview ka. Palibhasa ang dami mong natanggap na TVD books at merches eh." Saad niya at tumulala na naman.

"Nye nye!" I mocked her and read again.

After few minutes, nagbell na means break na. Vacant lang kasi naming tatlo kaya andito kami sa library para magreview. May quiz kasi kaming dalawa ni Kay after ng break then si Britt naman before last sub. Oh diba quiz agad eh kakapasok palang namin nung isang araw. Palibhasa nasa higher section kami eh.

"Hay salamat, nagutom na ako kakabasa. Yung mata ko busog, yung tiyan ko gutom." Ani Britt habang nag uunat pa.

"Oh nasan na yung syota mo?" pang aasar ko. Agad naman siyang napatingin sakin at umirap.

"Andun nasa America. Hindi nga ako sinama eh. May shooting daw sila." Pakikisakay niya sa trip ko at humagikgik pa.

"Kawawa ka naman sissy. Ako nasa bahay siya, hinahantay na akong umuwi." Malanding sabi ko at humagikgik din.

"Sanaol." Mahinang sabi ni Kay pero narinig namin.

Napatingin kami sa kanya at natawa.

"Akala ko ba napansin ka na ng tatlong beses?" pang aasar ni Britt.

"Ayun nga eh, hindi na ulit ako pinansin. Napanood ko pa yung kissing scene niya kagabi, nagtataksil sakin." Malungkot niyang sabi.

Natawa nalang kami at hindi siya pinansin. Niligpit na namin ang gamit naming at binalik yung mga libro sa lagayan nila bago kami pumunta sa cafeteria. As usual, andun na ang boys naghihintay samin.

Umupo ako sa tabi ni Ryden at Blake bali nasa gitna nila ako. Si Britt at Kay naman ay sa tabi ni Shawn bali pinaggigitnaan nila si Shawn. Pinanlisikan ko muna ng mata si Shawn at tumaas lang ang kilay niya sakin. Umirap nalang ako sa kanya bago nakipag kumustahan kay Blake.

"Hi Blakey." Bati ko.

"Hi Gweny." Bati niya pabalik.

Umangkla ako sa braso niya at nagpacute. No malice guys ha, close lang talaga kami at ninang ko ang mommy niya. Tapos para ko na siyang kuya kaya ganito kami.

"Libre mo naman ako Blakey. Ice cream lang saka pizza. Please?" pagpapacute ko.

Kinaltukan niya lang ako saka kinurot ang ilong ko.

"Edi ilibre mo sarili mo." Sambit niya at tinanggal ang pagkakaangkla ng braso ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Bago umirap at sumimangot.

"Damot nito! Dami mong pera eh! Dali na!" pangungulit ko pa.

"Oo nga, Blake dali na! Pasta lang sakin pati orange juice. Pleaaassseeee!" dagdag ni Britt.

Dumila lang samin si Blake at hindi na kami pinansin.

"Damot!" sabay naming sabi ni Britt. Nagbulungan pa kaming dalawa.

Dreams of Tomorrow | Book 1 (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now