Chapter 45

157 5 0
                                    

Warning: SPG

*Read at your own risk*

LAMBERT'S POV

Nilock ko ang pinto ng kwarto. Binuhat ko papunta sa banyo ang asawa ko. Pinulupot nito ang nga binti sa bewang ko. Hindi ko hinayaang na maghiwalay ang labi naming dalawa. Binuksan ko ang dutsa para bumuhos ang maligamgam na tubig. Pinatong nito ang kamay sa batok ko.

"Mahalay ka pa rin." mahinang saad niya.

"Nagpapahalay ka naman. Maligo na tayo para maipagpatuloy natin ang nasimulan sa malambot na kama." nakangising sabi ko.

"Gago!"

Nagulat ako ng siya mismo ang humatak sakin para magdikit ang labi namin. Hindi ako kumilos. Hinayaan kong siya ang magsimula ng apoy sa pagitan naming dalawa. Smack lang ang ginagawa sakin kaya nakaramdam ako ng irita.

"Tch! You're still a bad kisser." mahinang usal ko.

Sinakop ko ang labi niya sa pagkainis sa paraan niya ng paghalik. Naramdaman ng labi ko ang pagngiti niya kaya napangiti din ako.

"Insane."

"With you."

Sa una ay banayad lamang ang aming digmaan. Nang bumuka ang labi nito naging daan iyon para mas umalab ang pagnanasang masakop ang kaloob looban ng kanyang bibig.

Nagmamadali.

Naghahanap.

Nakakadarang.

Ayokong angkinin siya sa ilalim ng dutsa. Ayoko tin angkinin siya na hindi ako ang mahal niya. Ayokong marinig na iba ang sinisigaw niyang pangalan kahit ako ang kaniig niya. Kusa kong pinaghiwalay ang labi naming dalawa.

"Babe mahal mo pa ba ako?"

"Ano ba kasing klaseng tanong yan?!"

"Ayoko ng may kahati."

"Wala ka naman kahati! Kung minahal ko si Cloud, siguro noon yon na ako pa si Ayumi. Aaminin ko kahit paano may espasyo siya sa buhay ko. Limang taon kaming nagsama bilang mag-asawa, at sa limang taon na yon naging mabuti siyang kabiyak. Kahit pa nalaman kong hindi pala siya kasingbuti ng inaakala ko." malungkot na saad nito.

ASTRID'S POV

Natahimik lang siya sa sinabi ko habang patuloy ang pag-agos ng tubig saming dalawa.

Tumingala ako sa kanya. "D-di ka na nagsalita?"

Yumukod siya para magpantay ang mukha naming dalawa. Napansin ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya.

'Shet! Bakit ang sexy!'

"Maligo na tayo. Ako na magsasabon sayo. Hubad mi amor." nakangising utos niya.

"King ina! Bahala ka sa buhay mo! Aalis na ako. Tapos na akong maligo."

"Tch! Dito ka lang at nagugutom ako. At ikaw ang gusto kong pagkain."

'Ang bastos bastos niya!'

"Gutom din ... este hindi ako gutom ... ano ... tumingin ako sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng sirain niya ang t-shirt na suot ko. Dinig mo ang pagkapunit non. Malawak ang pagkakangisi ng gago. Hindi pwedeng damit ko lang ang masisira.

Sinubukan ko din sirain ang damit niya. Pero kahit anong pilit ko hindi ko masira iyon. "Hubarin mo nalang. Makapal ang tela. Masyadong mahal ang kalidad ng damit mo."

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon