Chapter 2

171 11 0
                                    

LAMBERT'S POV

"Lenox uuwi ka sa Einzberg sa lalong madaling panahon. Hindi pwede na puro's alak ang kaulayaw mo. Panahon na para tanggapin mong wala na si Astrid."

Wala na akong pakialam kung ano ang gustong mangyari nila dad at mom. Ano pa ang silbi na manirahan ako dito sa Batangas kung hindi ko din naman kasama ang asawa ko. Napayuko ako saka muling napaiyak. Isang taon kong pinipilit kalimutan ang nangyari pero sobrang sakit na mawalan ng taong mahal na mahal mo.

"Son you have to move on. Hindi magiging masaya ang asawa mo kapag nakikita ka niyang nahihirapan ng ganyan. She's in paradise now baby." saad ni mommy ng yakapin ako.

"Mom hindi ko kaya na mawala siya sakin. Pinipilit ko pero hindi ko kaya." saad ko habang parang bata na umiyak sa kanya.

"Kakayanin mo anak. Magsisimula kang muli sa Einzberg, doon muna tayo maninirahan. Tutulungan ka namin ng daddy mo, ni Lance at abuela para makabangon muli." dagdag pa ni mommy.

Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong umiyak hanggang sa mapagod ang luha ko sa mata at ito ang kusang huminto.

"Peter ipahanda mo ang eroplano, uuwi tayo ng Einzberg sa isang araw." maotoridad na saad ni daddy.

"Yes sir." si Peter.

Isang araw bago kami umalis dumaan ako sa kapatid at nanay ni Astrid. Gusto kong magpaalam ng maayos sa kanila. Gusto ko din tulungan si Aaron sa pag-aaral dahil pangarap ni Astrid na makatapos ito ng pag-aaral.

"Lambert hijo nadalaw ka." nakangiting mukha ni nanay Alicia ang nabungaran ko. Nakangiti man ito, kita sa mata nito ang pagluluksa at lungkot.

"Oh, Kuya Lambert what brought you here?" gulat na tanong ni Aaron.

"Pasok ka anak." anyaya ni nanay Alicia.

Naupo ako sa pang-isahang sofa. "Nanay Alicia hindi na ho ako mag paligoy ligoy pa, aalis ho muna ako papuntang Einzberg." Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo hijo. Kami man ay ganon din. Sa araw araw na ginawa ng Diyos hindi maalis sa isip ko ang anak kong si Astrid." Tumulo ang luha ng ginang. "Iniisip ko nalang magkasama na sila ng tatay niya."

Ngumiti ito sakin kahit puno ng kalungkutan ang boses nito. Inabutan ni Aaron ng tissue ang ina.

"Kapag nag-stay ho kasi ako sa Batangas baka mabaliw ako nay. Kahit saan ako mapadpad ng sulok ng mansyon, alaala ni Astrid ang nakikita ko. Nahihirapan na ho ako." matapat na sabi ko.

Hinawakan ni nanay Alicia ang kamay ko. "Hijo kung saan ka makakabuti para maginhawaan ang puso mo sundin mo iyon. Ayokong ikulong mo ang sarili mo sa ala ala ng anak ko. Kailangan mong matutunan na wala na si Astrid. Mahirap sa umpisa pero unti unti natutunan namin tanggapin na hanggang doon nalang ang buhay ng anak ko." Sinasabi niya iyon habang hindi maampat ang luha sa mata.

Hindi na ako nahiyang umiyak sa harapan nila. Napayuko ako saka nagpahid ng luha. Baka isipin ng asawa ko bakla ako.

Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "Nanay Alicia gusto ko ho sanang ibigay sa inyo ang bahay na pinagawa ko para kay Astrid. Kumpleto na ho ang lahat doon. Paglipat niyo nalang ho ang kulang."Alam kong nagulat sila sa sinabi ko. Binalingan ko ang kapatid ni Astrid. "Aaron, gusto ko sana na lumipat ka sa Empire University para doon mag-aral. Gusto ko po kasing tuparin ang pangarap ni Astrid para sa inyo." nagbara na namana ng lalamunan ko.

"Pero hijo hindi mo kami responsibilidad." saad ni nanay Alicia.

Umiling ako.

"Sana ho nay tanggapin niyo ang alok ko. Alam kong magiging masaya si Astrid na malaman na hindi ko pa rin kayo pinabayaan." pahayag ko. "Kung ang inaalala niyo ho ang puntod ni tatay Alfonso, ipapaayos ko ho ang papel para malipat sa Batangas." dagdag ko.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon