Warning: May konting kahalayan.
ASTRID'S POV
Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong tugunin ang nakakaayang halik niya. Sa kanya dilig na dilig ang tuyot kong labi. Kapag nadidikit siya sakin pakiramdam ko sinisilaban ang ng mainit na bagay ang lahat ng sulok ng katawan ko.
Napabuntong-hininga ako.
Sinasabi ng puso ko na kilala siya ng puso ko pero naduduwag akong aminin iyon sa sarili ko dahil kay Cloud. Naduduwag akong masaktan si Cloud. Naduduwag akong malaman ang katotohanan na ako nga si Astrid kahit kung tutuusin nandyan na sa harapan ko ang ebidensya ng totoong pagkatao ko.
Pinagmasdan ko si Cloud na mahimbing na natutulog. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang mukha nito at maging ang katawan. Pinalitan ko din ang damit nito para mas maging komportable siya. Nang makitang maayos na siya, naligo ako bago tumabi sa kanya.
"Ayumi." mahinang bulong niya. "Ayumi bakit mo ko iniwan ..." Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Nananaginip siguro siya ng masama kaya hinawakan ko ang pisngi niya para gisingin siya.
"Cloud nandito lang ako, hindi kita iiwan." mahinang bulong ko. Bumalik sa ayos ang paghinga niyo. Magaan ko siyang hinalikan sa noo. "I love you sweetie."
Sinuklay ko ang buhok nito ng daliri ko. Hindi ko akalain na magigising siya sa ginagawa ko. Ngumiti ng makita ako. "I'm sorry for getting drunk sweetie and thank you for taking care of me."
"Ano ka ba Cloud, ikaw nga ang laging nag-aalaga samin eh. Hindi mo kami pinapabayaan. Kahit minsan alam kong nagkukulang na ako sayo bilang asawa mo dahil sa studies ko. Pero, nandyan ka pa rin sinusuportahan ako."
"Dahil mahal na mahal kita, Ayumi."
"Hindi ba joke yan?"
"Sweetie naman. Kailan ba ako nag joke sayo?"
"Kanina kaya pinahiya mo ako sa harap ng mga RichRoss." nakangusong sabi ko.
Naupo ito saka sumandal sa headboard ng kama. Pinagpag nito ang lap niya. Naupo ako doon kahit medyo nailang ako ng kaunti. Hindi pa kami naging ganito ka-intimate dati. 'Asawa ko naman siya kaya nawala ang pagkahiya ko.'
"I'm sorry if I say harsh words to you earlier. It wasn't intentional." Nakatitig lang ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ang ilang hibla ng buhok ko.
"Hmp!" Humalukipkip ako sa kanya. "Mas maganda pala sakin si Natsuki at Chiaki ha! Akala mo ba hindi ka nakasakit ng damdamin."
"Sorry sweetie." Niyakap niya ako palapit sa kanya. Kinakabahan ako ng sobra dahil sa kamay niyang nakapulupot sakin. Nilayo niya ako sa kanya. Tinitigan niya ako at naiisip ko na agad ang gustong iparating ng mata niyon.
'Shet!'
Unti unti niyang binaba ang labi niya sakin. Hindi ko alam paano siya tutugunin sa halik na iyon. Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa blouse ko kaya natakot ako.
"Cloud ... h-hindi pa ako handa magkaanak ulit." Nasabi ko iyon sa pagitan ng paghalik niya.
Natatakot akong may mangyari samin. Natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan.
Tinigil nito ang paghalik sakin. Nadinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito. Tumitig siya sakin saka ako nginitian ng matipid.
"Sorry." saad nito.
Nagbaba ako ng tingin ng marinig ang pag-hingi niya ng tawad kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan. Nag-angat ako ng ulo saka ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...