ASTRID'S POV
Sinipa ko ang binti ni Chiaki na nasa ilalim ng lamesa. Napaigik siya sa sakit. Masama ang tingin na pinukol niya sakin.
Simula kasi kanina hindi na ako hiniwalayan ni Miss Alicia. May mga pinakitang litrato si Aaron sa cp niya. Maganda naman ang ate nito, mas maganda nga lang ako.
"Chiaki!" inis na tawag ko sa kanya. Mahinang mahina iyon. "Chiaki!" pag-uulit ko.
"May problema ba anak?" nakangiting tanong ni Miss Alicia.
"Ha? W-wala po."
Hinawakan ni Aling Alicia ang magkabilang pisngi ko. "Mas lalo kang gumanda ngayon anak."
'So dati panget ako? Teka nga! Pumapayag na ba akong maging si Astrid? Hallow! I am Ayumi!'
"Ahh .. hehehe, ganon po ba." tamang tipid na sagot lang.
Hindi ko kasi alam paano sasagot sa kanya. Gusto ko ang pakiramdam na hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Gusto ko din yung yakap niya kanina. Napakagaan kasi non.
Kung pwede nga lang na siya na talaga ang nanay ko hindi ako magdadalawang isip na pumayag. Yun nga lang unfair iyon sa mga totoong magulang ko na maagang namayapa sabi ni Cloud.
"G-gagamit lang po ako ng restroom."
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya sakin.
"H-hindi na po."
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko. Nasa mata ang takot. Takot na baka mawala ako sa paningin niya.
"Babalik po ako. Naiihi na po talaga ako." sabi ko ba kunwaring hinawakan ang puson. "Kanina pa po kasi ako nagpipigil."
"O sige anak, bilisan mo ha."
"O-opo."
Tumayo ako mula sa upuan. Napalingon sakin ang mga lalaking hunks na pinagpapantasyahan ni Chiaki. Yumukod ako sa kanila saka nagmamadaling hinanap ang banyo.
Ang totoo hindi naman talaga ako naiihi.
Napasandal ako sa pader ng pasilyo. Padausdos akong umupo. Nayakap ko ang magkabilang tuhod. Gusto ko lang ng break at sumasakit ang ulo ko sa mga nakikita at naririnig. Sinasabi ko na nga ba magsisimulang gumulo ang tahimik na mundo ko ng pumayag ako sa kagustuhan ni Chiaki na pumunta dito.
"You don't look fine."
Napaangat ang mukha ko ng madinig ang pamilyar na boses na iyon at ang humahalimuyak na pabango nito. Nagulat ako ng tabihan niya ako.
'Nasaan ang cold and emotionless na pagmumukha niya? Lasing na yata ang isang to at kinakausap na naman ako!'
"May problema ba? Namumutla ka."
Nakagat ko ang labi para bigyan iyon ng kulay. Nilingon ko si manyak. "Oh ayan okay na ba?" Tumulis ang nguso ko sa kanya. "Kinagat kagat ko na yan."
Nanlaki ang mata niyaN. Namula din ang mukha nito. Nang mapagtanto ang inasal bigla akong nahiya sa harapan niya.
'Kaya pala napapalunok siya! Manyak talaga ang bwiset!'
"Kailangan na namin umuwi kaya lang kasi si nanay Alicia ayaw akong pakawalan." nakangusong sabi ko.
Natawa siya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...