ASTRID'S POV
Bumalik kami ng Batangas kinagabihan. Hindi niya talaga ako kinausap. Hindi niya ako binibigyan ng pansin. Ayoko naman ako ang mauna. Wala naman akong ginawang pagkakamali. Gusto ko lang naman maayos ang lahat bago ako bumalik sa kanya. Gusto ko lang naman wala akong dala dalang mabigat sa damdamin ko. Yung tipong bumalik lang ang alaala ko iiwanan ko na ang taong tumulong sakin na makabangon ulit.
"Peter ihatid mo si Astrid sa tahanan nila. Masakit ang ulo ko." utos nito.
Kahit hindi naman totoong masakit ang ulo niya. Ayaw niya na siguro sakin kaya nag-iinarte ang hayop na to. Kapag ako nainis sa kaartehan niya babatukan ko ang gunggong na 'to eh.
"Sa mansyon niyo ako matutulog."
"Hindi ka pwede don."
"At bakit hindi pwede?!" mataray na sabi ko. "Bakit may relasyon na ba kayo ni teacher Anna?!"
'Pakyu ka!'
"I don't have time with this nonsensical argument, Miss Matsumoto. Where do you get that idea that Anna and I have a relationship?!"
"I am not arguing with you, Mr. RichRoss!" inis na sabi ko. "Malay ko ba kung nagkakamabutihan na kayo ni Anna." mahinang sabi ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Walang mabakas na emosyon doon. "I-I w-will stay in your house whether you like it or not!" utal na sagot ko.
Mabilis akong sumakay ng kotse niya ng walang pahintulot niya. Nakakainis siya. Nakakainis ang walang kwentang reaksyon ng mukha niya. Nakakabadtrip siya. Mamaya magpapabili ako ng ice cream sa kung sinong Rolex ang nandoon.
Nagulat ako ng si Peter ang sumakay sa driver's seat.
"Nasaan si Lambert?" nagtatakang tanong ko.
Nagkamot ito ng batok. "Miss he doesn't want to drive his car."
Nirolyo ko pababa ang bintana. Paalis na ang isang sasakyan kung nasaan si Natsuki, Silver at Lambert. Alam kong nakikiramdam lang ang mga ito sa aming dalawa. Kanina pa kasi may tensyon sa pagitan namin.
"Punyeta siya! " inis na sabi ko.
'Calm down Astrid! Naglilihi si Lambert! Pagbigyan mo!' Kapag ako nainis sa kanya, huwag na siyang magpapakita sakin o samin ng mga anak namin.
"Umuwi tayo ng mansyon, kukunin ko muna ang mga anak ko. Doon kami sa bahay matutulog. Pakihatid nalang kami Peter." mahinahon na sabi ko.
Tumango lang siya. Habang nasa daan biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa. Unknown number ang tumatawag. Sinagot ko iyon sa pagbabakasakaling isa sa mga kakilala ko.
"Hello."
"Hello Misis Matsumoto having a good time?" boses babae yun.
"Sino ka namang epal ka?"
"Hindi mo na kailangang malaman."
"E di kung ganon , goodbye!" Ini-end ko ang tawag.
Ayaw mo magpakilala ha, sige goodbye ka sakin. Nagmamaganda ang punyeta. Basag naman ang boses. Naghahanap pa yata ng ng mabubudol ang walanghiya.
"Peter, iliko mo sa convenience store. Gusto kong kumain ng caramel ice cream. Isasampal ko ang left over sa mukha ni Lambert." inis na sabi ko.
Hindi ito sumagot pero sinunod niya ako. Kapag di sumunod si Peter, di ko sila hahayaan ni Natsuki na magkatuluyan. Bagay pa naman silang dalawa, parehas pabebe. Bababa na sana ako ng sasakyan ng magsalita si Peter.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...