ASTRID'S POV
"Mare nandito na tayo!" alog sakin ni Chiaki.
Napabalikwas ako ng bangon kaya napatayo ako bigla. "Awww!" nauntog ang ulo ko sa lagayan ng gamit. Napaupo ako ulit sa sobrang sakit.
"Itatakwil na din kita, ang shunga mo don mare."
Sinamaan ko ng tingin si Chiaki. Nag-peace sign naman ito sakin. Hinaplos ko kung may bukol ang ulo ko pero wala naman. Bumaba na kami ng bus para kunin ang gamit namin sa storage area ng sasakyan.
Nalula ako ng makita ang entrance ng main campus. Napahawak ako bigla sa braso ni Chiaki ng makaramdam ng pagkahilo.
"Okay ka lang?"
Napapikit ako dahil kumirot ng kaunti ang ulo ko pagkakita sa Unibersidad.
"Y-yeah."
"Waaa ang daming gwapo sa exchange students!"
Dinig kong saad ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.
"OMG! Look at that man?! He is super gwapo!"
Nilingon ko ang tinuturo nila. Napasimangot ako na ngiting ngiti si Jonathan ng magtama ang mata namin.
"Proud na proud? Pangit mo!" inis na sabi ko sa kanya.
"Waaaa ang gwapo din nong tayo tayo ang buhok!"
'Hanggang dito ba naman!'
Nagvibrate ang cellphone ko.
From: Cloud
Inside of the plane.
I'll see you tonight sweetie.
We miss you already.
I love you.
[End]"Si Cloud?" tanong ni Chiaki.
"Oo, nasa plane na sila. Mukhang sa dorm tayo matutulog ngayong gabi. Nakakainis kasi si Jonathan!"
"Sabihan mo na agad si Cloud para hindi na mapagod na sunduin tayo."
Sinunod ko naman si Chiaki.
To: Cloud
Sweetie bukas mo kami sunduin after ng klase namin. May welcome party para exchange students. Miss you already.
[Message sent]Wala pang limang minuto ng mag-reply siya.
From: Cloud
Alright sweetie!
[End]'Yun lang? Wala man lang kiss?'
"Anong sabi?"
"Alright sweetie." nakalabing balita ko kay Chiaki.
"Yun lang?"
"Hindi, may hug and kiss din!" inis at sarkastikong sabi ko.
Mabuti nalang naka-chuck taylors ako kaya okay lang sakin maglakad ng malayo. Hingal kabayo ako ng makarating kami sa dormitoryo. Mabuti nalang sa first floor lang kami.
Nasa unahan na bahagi sila Chiaki. Hinanap ko ang kwarto ko. Wala kasing number ang susi.
'Nasaan ba yung kwarto ko?!'
Tumapat ako sa isang pintuan sa pinakadulo. Ito lang ang kwarto na walang number. Sinuksok ko ang susi. Bumukas iyon. Pagpasok ko parang condominium ang napasukan ko. Kumpleto sa gamit doon. May salas, kainan, kusina, may tulugan.
'Yayamanin naman! Pwede na akong tumira dito eh!'
"Ganito din ba sa ang dormitory sa Japan?" tanong ko sa sarili. "Hmp!"
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Fiksi UmumDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...