LAMBERT'S POV
Nagmamadali akong nagsuot ng damit. Hinabol ko si Astrid. Naabutan ko ito na kaharap ang isang lalaki.
'Siya ba si Cloud?'
"Nag-alsabalutan ka ba Miss Matsumoto?"
'Matsumoto?'
Pinameywangan niya ang lalaking kaharap. "Hindi, trip ko lang maglakad ng nakapajama at may dalang maleta! Gumaya ka! Bagong uso to." sarkastikong sabi niya.
Tumalikod si Astrid paharap sa direksyon ko. Nanlaki ang mata niya ng makita ako. Napahinto siya sa paghakbang. Napatingin sa direksyon ko ang lalaking kausap niya. Kumunot ang noo ng makita ako.
"Boss!"
Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Cobalt iyon kasama si Aqua at Khaki. Nilagpasan nila si Astrid at ang lalaking kasama nito.
"Bossing nasaan na si Astrid?" tanong ni Cobalt. "Excited akong makita siya!"
"Tch!"
'Mas excited pa siya kaysa sakin!'
"Hindi nga ako si Astrid! Bakit ba pinagpipilitan mong manyak ka!" sagot ni Astrid.
"OMG!" pangagaya ni Cobalt sa mga estudyante ng Empire University kapag namamangha. "Astrid! Ikaw nga!'
Masayang lumapit si Cobalt sa asawa ko ng hatakin ng lalaki si Astrid papunta sa likuran nito.
"She's not Astrid pre. Her name is Ayumi Matsumoto. Calling her on a different name is rude."
"Correct!" si Astrid.
"Pre, calling her in that name is not rude. She's really our boss uhm ... acquaintance." saad ni Aqua.
Kumunot ang noo ko.
'Acquaintance?'
Tiningnan ko ang kamay ng lalaking nakahawak pa rin sa kamay ng asawa ko. Gusto kong manapak ng taong pakielamero.
"Ha?Acquaintance? I don't even know you, you, you, and him." turo ni Astrid isa isa samin. Halos maningkit ang mata nito sa panggigigil.
"Bumalik ako boss para sana tingnan kung okay lang ang pasyente ko." si Aqua na nakangisi.
Pumiksi siya sa lalaking nakahawak sa kanya. Mabuti binitiwan niya kundi makakasapak na ako. "Hindi ako pasyente! Salamat sa concern pero doktor ang asawa ko kaya hindi ko kailangan ng check up mo!" saad ni Astrid.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi nagustuhan ng tenga ko ang narinig. "Asawa?" naisatinig ko.
"Oo at mas gwapo sayo!" naka-irap na sabi niya.
'Proud pa talaga siyang sabihin sa harapan kong may asawa siya kahit ako ang asawa niya! Tinde mo babe!'
"Matsumoto sino ba ang mga lalaking ito?" tanong ng lalaking kasama niya.
"Kasamahan mo sa jungle!" inis na sagot niya sa lalaki. "Pare parehas kayo ng mga trip sa buhay!"
'Buti nga!'
Naglakad siya palapit sa direksyon ko. Huminto siya sa harapan ko. Hinawi ang buhok papunta sa likuran. Humalukipkip sa harapan ko.
"Stop bothering me! Huwag ka din susunod sa kwarto ko! Kung ayaw mong magreklamo ako sa may-ari ng eskwelahan na to." Mariin na saad nito.
'Tch! Ako lang naman may-ari ng eskwelahan.'
Para akong naa-amuse sa Astrid na nakikita ko ngayon. Bakit parang nagugustuhan ko ang pagsusungit niya sakin? Tsundere. Whew!
![](https://img.wattpad.com/cover/244334129-288-k415026.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...