ASTRID'S POV
Nagkakasayahan sa malaking hardin ng mga RichRoss kinagabihan. Nagpahanda ang abuela ni Lambert para sa muling pagbabalik ko sa pamilya ng mga ito na di ko inaasahan. Sa hardin may mahabang lamesa at mga kumikinang na mga pailaw para magbigay liwanag sa lugar na hardin.
"Welcome back to my apo's life Astrid." saad ni dragona.
'Hindi kaya kaplastikan 'to?'
"M-maraming salamat po." pekeng ngumiti ako sa kanya.
"Cheers ladies and gentlemen." anunsyo nito.
'Pak! Wine 'to di ba?' Nilapit ko lang sa labi ang baso. Nang ibaba ko na iyon tinapon ko sa gilid.
"Sarap!Isa pa!" mahinang saad ko.
"Tch! Nakita ko ang ginawa mo babe." mahinang bulong ni Lambert.
"Shhhh ... ang ingay mo! Mag-focus ka nga. Gagamit lang ako ng banyo." paalam ko sa kanya.
Nag-excuse ako sa kanilang lahat. Gusto ko umalis doon kanina pa. Minsan nagkukwentuhan sila, hindi na ako makasabay.
Umakyat ako sa kwarto ng mga bata para silipin ang mga ito. Madaling nakatulog dahil sa pagod. Halos hindi na nga nila nakain ang inihandang pagkain ni Manang para sa kanilang dalawa.
Hinalikan ko sa noo ang mga ito. Naupo sa gilid ng kama. "I'm glad we are still alive mga anak." Hinaplos ko ang buhok ni Augustus. "We came back to our real home." napangiti ako.
'All I know is that we have to say goodbye to Cloud. He has been good to us. He gave a temporary home. I feel bad leaving him in a situation where he can't live peacefully.'
Lumabas ako ng kwarto ng mga bata. Nadidinig kong nagkakantahan sila sa hardin ng mapagpasyahan kong bumalik. Sa isang banda magka-usap si Anna at Lambert.
'Lagi silang magkasama'
Nagtago ako sa likod ng mataas na halaman para pakinggan ang usapan nilang dalawa. 'Ano naman kaya ang pinagtsitsimisan nilang dalawa?' Sumilip ako sa mga butas na gawa ng halaman.
"Lambert a-ano g-gusto ko sanang umalis na sa tahanan ninyo." nakayukong
"Why? You don't like it there?" may pagtatakang saad nito.
"Hindi sa ayaw ko. Nababahala kasi ako sa damdamin ko."
Kumunot ang noo ko. Anong damdamin ang pinagsasabi ng babaeng 'to? Huwag niyang sabihin na may gusto siya sa asawa ko? Konyatan ko siya.
Nahihiya itong tumingin ng diretso sa mata ni Lambert. "Crush kita! Ang bait mo po kasi." walang pasakalyeng saad nito.
'Jombag gusto mo?'
"Crush lang naman pala, eh. I like your attitude towards my kids."
'Crush lang pala? Aba't siraulong to! Nag-iimbita ng mga babaeng magkalagusto sa kanya!'
"O-okay lang sa inyo na crush ko kayo?"
"Uhmm ...Hinawakan ni Dams sa magkabilang balikat si Anna. "I like you okay. Hindi na importante kung crush mo ako o hindi. Importante nagagawa mo pa din ang trabaho mo bilang tutor ng mga anak ko. Salamat Anna."
Sa sobra yatang saya ni Anna nayakap niya si Lambert. Tinapik tapik nito ang likod ni Anna. Naiinis ako sa kanila. Bakit may ganyang eksena? Nawala lang ako saglit may kayakapan na siya agad.
"Thank you sir."
*Tsup*
Nanlaki ang mata ko ng halikan nito sa pisngi si Lambert. 'Hala siya! Ganyan pala magka-crush? May pahalik halik na din? Dinaig pa ako! Binibining Anna isusumbong kita sa DepEd! Kainis!'
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...