Chapter 16

146 8 5
                                    


LAMBERT'S POV

Sumakit ang ulo ko sa conference kanina dahil sa awayan na nangyari sa pagitan ni Miss Kotomi at Astrid. Hanggang ngayon nasasangkot pa din siya sa gulo.

Ramdam ko ang pagtitimpi niya kanina ng maisali ang anak nito sa away nila. Sino ba naman na ina ang papayag na maagrabyado ang anak lalo na inosente iyon at walang malay sa nagaganap.

"Sabi ko sayo dhie buhay si Astrid eh. Ayaw mo kasing maniwala sakin." Nagtatampo ang boses na sabi ni Louise.

"Sorry okay?" malumanay na sagot ni Arthur na napabuntong-hininga.

Nagyaya si Amanda mag-lunch habang hinihintay si Torrance. Inimbitahan niya ang ibang kaibigan nilang si Lilian, Amanda, Gemini at Carlo.

"Lambert ngayong alam mong buhay si Astrid, anong balak mo?" tanong ni Amanda.

'Ano nga bang balak ko? Hindi ko pa yan naiisip. May anak at asawa na siya sa iba. May habol pa ba ako?'

"Hindi ko nagustuhan si Miranda para sayo Lambert. Matagal na tayong magkaibigan pero hindi ko akalain na papatulan mo ang babaeng yun. Ang laking insulto kay Astrid." dagdag pa ni Amanda.

Sumama ako mag-lunch para mawala ang mga isipin ko pero heto at pinag-uusapan namin ang problema ko. Lalo lang nadagdagan ang isipin ko pagkabanggit kay Miranda.

"Sorry Lambert, but I don't like Miranda either." saad ni Gemini.

"Mas lalo naman ako!" si Lilian.

"Woi! Nakakahiya sa nobyo oh, mga merlat na to. Kung makasabi kayo ng hindi niyo gusto si Miranda parang wala si Lambert dito." saad ni Carlo.

Hindi ko naman sila masisisi dahil na din sa pagiging malapit ni Miranda noon sa mga lalaki sa Architecture.

"Idagdag mo pa si Hettie." singit ni Amanda.

Napangiwi ako.

"I can't blame Lambert, he doesn't know Astrid is alive." singit ni Arthur.

Napabuntong-hininga ako.

"Fafa Arthur, improving ka. Aba'y nagsasalita ka na!" saad ni Carlo.

"Syempre may bibig siya." singit ni Louise. Nakahanap ng bagong kaaway itong si Carlo.

"Tse! Itong mestisang hilaw na nobya mo fafa Arthur isasako ko. Naghahanap ng away! Nasisira ang makeup ko sa kanya! Gosh!"

"What is sako dhie?" inosenteng tanong ni Louise, mahina lang iyon pero nadinig ko.

"Chocolate yun mhie." sagot ni Arthur.

"Tch!"

"Well, let's go back to our original topic." singit ni Amanda. "I think your marriage license is still valid right?"

Nagkibit-balikat ako.

'Kung hindi man willing ulit akong pakasalan kahit saang simbahan si Astrid.'

"I think hindi na if the family reported her death." saad ni Gemini.

Napainom ako ng tubig ng sabihin iyon ni Gemini. Kung ganon wala na akong karapatan sa asawa ko?

"Pakasalan mo nalang ulit fafa Lambert." suhestyon ni Carlo.

'Kung ganon kadali.'

"Ang ipinagtataka ko bakit hindi niya tayo kinausap man lang o pinansin si Arthur?" si Gemini.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon