LAMBERT'S POV
Isang linggo ang lumipas nang huli kong makita si Astrid. Iniwasan ko talagang lumabas ng opisina ni kuya para hindi ko siya makasalubong.
'Sabi mo kasi last na! Tch!'
"Yo!" boses ni Alexander.
Kasunod nito ang ibang barkada. Binabalak ng mga ito na magtayo ng isang malaking architecture firm sa bansa. Gusto nilang idamay ang pananahimik ko para daw magkaroon ng thrill ang buhay ko.
"RichRoss wazzup?!" si Travis
Tinanguan ko lang siya.
Sigurado ako nandito nila napiling mag-meeting sa pagbabakasakaling makita si Ayumi. Naupo ang mga ito sa lamesang mahaba kung saan dinaraos ang mga pagpupulong sa unibersidad.
"Lance coronation celebration is tonight, right?" tanong ni Baxter.
"Yeah." tipid na sagot ko.
Sinarado ko ang laptop para harapin ang mga ito. Binuksan ko ang blinds ng conference rooms. Matatanaw ang mga estudyanteng nakatambay sa gitna ng luntiang track and field.
"Daming chikababes!" saad ni Dave.
"Tch!"
"Bago na pala ang p.e uniform ng mga kababaihan ngayon. Kitang kita na legs nila. Dati rati ang mga estudyante balot na balot na parang madre." dagdag pa muli ni Dave.
"Tado!" si Logan.
"Totoo naman dre. Aba kulang nalang pati mukha ng mga babae takpan nila, eh."
"Jogging pants ang tawag don pre." saad ni Ethan.
"Puro kayo kalokohan." si Raven.
Lahat sila nakatingin sa labas ng bintana. Tanaw din sa malawak na field ang mga paroo't parito na estudyante. May nahagip ang mata ko na ni anino na di ko nasilayan ng buong isang linggo.
"Si Ayumi yun ah." turo ni Dave kay Ayumi na parang nakikinig sa kinukwento ng kaibigan. "Tsk! Si crush talaga kahit kailan maganda pa rin at mas lalo siyang gumanda. Bagay sa kanya ang bangs niya. Misteryosa ang datingan."
"Nandito ang asawa Dave. Huwag mong pag-pantasyahan. Off limits." saad ni Baxter.
"Not my concern anymore." I said as cold as ice.
'Fvck! Ang hirap magpanggap!'
Tumingin sila sakin. I gave them a cold stare. Lumiko ang estudyante ni coach Lucero papuntang basketball gym. Nagtaka ako bakit nagsitayuan ang mga kaibigan ni Astrid mula sa upuan.
"Sa gymnasium tayo mag-meeting." suhestyon ni Logan. "Namiss ko ang gym at si coach Jonas."
'Tch!'
Nagpatiuna pa itong lumabas. May mga ngisi sa labi na sumunod ang iba kay Logan. Napailing nalang ako dahil sa magandang dahilan nito. Sinasabi ko na nga ba pumunta lang ang mga ito para masilayan si Ayumi.
"OMG! Nandito ang alumni heartthrobs!"
"Nabuhayan ako ng dugo!"
"Makalaglag panty talaga sila!"
Dinig kong tilian ng mga kababaihan. Todo kaway naman si Logan at Dave sa mga ito. Diretso naman ang tingin ni Raven at Ethan na akala mo walang mga estudyanteng nakakasalubong.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Fiksi UmumDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...