Chapter 7

121 11 0
                                    


AYUMI/ASTRID'S POV

"Are you okay sweetie?" tanong ni Cloud pagdating ko galing sa eskwelahan.

Paano ko sasabihin kay Cloud na may nakaaway lang naman ako sa eskwelahan. Ang dating tahimik na buhay ko nagkaroon ng adventure dahil sa nagngangalang Jonathan.

'Punyeta siya!'

Hindi ko maiwasang mainis na naman dahil sa walanghiyang yun. Pagbayarin daw ba ako ng mga inorder niya. Kung wala si Chiaki doon mapipilitan akong gamitin ang pera ni Cloud na sa simula palang ayokong gawin.

'Animal na Jonathan! May araw din siya sakin!Buset!'

"Sweetie?"

Napaigtad ako ng hawakan ako sa magkabilang balikat ni Cloud. Nangunot ang noo niya ng tingnan ako. Tumaas din ang isang kilay niya.

"Ayos ka lang ba?"

Imbes na sagutin niyakap ko nalang siya. Nakakawala ng pagod kapag nakikita ko silang pamilya ko. Sininghot singhot ko si Cloud. 'Hindi nakakasawa ang amoy niya'

Nilayo niya ako sa katawan niya habang nakangiti. Maging ang mga mata niya nadadamay sa pag-ngiti niya.

'Why so gwapo naman sweetie!'

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Nakangiting napangiwi ako. "Okay lang ako sweetie. Medyo napagod lang ako sa school today. Ang dami kasi namin gagawin sa mga susunod na buwan."

"Sigurado ka?" may pag-aalala sa paraan ng pagtanong niya.

'Hindi ako sigurado na hindi patulan ang Jonathan na yun! Gosh! He's making me soooo mad!'

"Kailan ba hindi?" nakalabing sagot ko.

Nagpapacute sa asawa ko baka sakaling halikan na ako sa labi eh. 'Kingina! Mabaho ba ang hininga ko at ayaw akong halikan sa lips? Bwiset!' Minsan nagtatampo na ako sa kanya.

Hanggang yakap at halik sa noo lang ang ginagawa nito simula ng mawalan ako ng memorya. Iniisip ko nalang natatakot siyang baka tanggihan ko siya. Pero, hindi e, minsan ako pa nga ang nag-iinitiate pero walang epekto sa kanya iyon.

'Hmmmm ... hindi kaya bakla itong si Cloud? Nalasing lang kami parehas tapos naanakan niya ako?'

"Sweetie bakla ka ba?" naitanong ko iyon bigla na dapat ay sa isip lang.

Nanlaki ang mata niya saka kumunot ang noo. "Ayumi hindi tayo magkakaanak kung bakla ako."

'Bakit pwede naman na gusto mo lang anak, tapon asawa!'

"E bakit hindi tayo nag-sesex?" walang gatol na sabi ko.

Natakpan niya ang bibig ko. Nagpalinga linga siya. 'Eksena niya?' "Sweetie naman marinig ka ng mga bata." Ngumisi ako sa kanya. "Yang bibig mo talaga hindi mo ilugar ang pagtatanong."

Pinulupot ko ang kamay ko sa batok niya saka tumingkayad. "Sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Huwag mong ibahin ang usapan Mister Matsumoto!"

Natutukso akong halikan ang labi niya. Sobrang pula kasi non eh at parang sobrang lambot na akala mo birhen pa.

'Yummy kasi ng asawa ko! Kainis!'

"Sweetie ayoko lang muna sundan ang mga bata. Dalawa pa nga lang hirap na tayo, magdagdag pa kaya."

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon