ASTRID'S POV
Nakabalik kami ng Batangas ng hindi nagpapansinan ni Lambert. Nag-aya ito umuwi kinabukasan pauwi sa di malamang dahilan.
'Sinapian na naman siguro.'
Ang dahilan niya marami daw reports na kailangan ng agarang pirma ayon daw sa sekretarya niyang si Rafaela.
Nasa bahay ako nila nanay nag-stay kasi di kami nag-uusap. Di rin niya ako tinatawagan. Kapag sinabi kong dito matutulog ang mga bata. Isang matipid na 'sige' lang ang reply ni Dams.
'Nag-iinaso na naman siya!'
Maya maya lang may natanggap akong mensahe sa di kilalang numero.
From: unknown
Pwede ba kitang makausap mamayang gabi Astrid? Si Miranda to.
[End]'Tsk! Siya lang pala! Ano naman kaya ang gusto ng malandi na babaeng to?'
To: Unknown
Bakit mo ako gustong makausap?
[Message sent]From: Unknown
Gusto ko makipag-usap ng babae sa babae. Tungkol kay Lambert.
[End]
'Aksaya siya ng oras! Nakakaawa naman siya! Pero dahil mabait ako, sige pagbibigyan ko siya.'
To: Unknown
Sige magkita tayo. Saan?
[Message sent]Maya maya lang nagreply ito. Sa mall ang ang lokasyon na binigay nito. Magkikita daw kami bandang alas siyete ng gabi. 'Dinner date pa gusto! Peste!'
Maganda na rin malaman niya kung saan ang lugar niya.
Dahil sobrang bored ako sa bahay, nagpasya akong magpunta muna sa
Tagaytay ranch bago kami magkita ni Miranda mamayang gabi.
Maganda din minsan yung umaalis ka ng mag-isa. Nakakarelax ng isipan yung wala kang iniisip na problema.
"Nay alis muna po ako. Libot libot lang po. Iwanan ko po muna ang mga bata sa inyo."
"Saan ang punta mong bata ka?"
"Sa mall lang po nay. Maghahanap ng isusuot sa kasal ni Arthur next month. Maganda na yung maaga." nakangiting saad ko.
"Isama mo si Natsuki o kaya si Chiaki."
"Nay, hindi na ako bata para may chaperone. Mamayang gabi nandito na din po ako."
"O sige, basta mag-iingat ka."
"Opo nay."
Humalik ako sa kanya bago kinuha ang susi ng kotse ni tatay. Kahit bulok bulok na yon, maganda pa rin ang makina. Hindi ko ipagpapalit sa mga bagong sasakyan ngayon.
I turned on the radio before I hit the road. Nilagay ko iyon sa mga mga taong may pinagdadaanang problema tungkol sa pag-ibig.
Problema sa radyo: Si boy paulit ulit nag-cheat.
"Tsk! Bakit kasi mag-stay pa kung nag-cheat na nga. Tanga ni ate. Hmp! Pero, sabagay lahat naman nagiging tanga sa pag-ibig. Matutunan mo lang mag-let go talaga kapag sobra na at hindi mo na kaya. Yung tipong lahat ng sakit naipon sa puso mo. Yung punung puno nalang ng hinanakit ang relasyon. Walang grow, pero pain nalang ang meron. Doon ka lang matatauhan talaga."
'Ow shet! Love guru ang peg!'
Napabuntong-hininga ako. Para naman nakakarelate ako. Kung tutuusin masaya ako ngayon dahil nandyan si Lambert, sabihin pa na hindi kami nakatira sa iisang bubong.
![](https://img.wattpad.com/cover/244334129-288-k415026.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...