ASTRID'S POV
Nasa tapat ako ng bahay ni Cloud. Pinagmasdan ko lang iyon sa labas. Wala pa rin itong pinagbago. Nadagdag lang ang mga nakabantay sa loob at labas ng tahanan nito. Bumaba ako ng sasakyan. Hinarang ako ng mga lalaki.
"Sino ka Miss?"
"Ayumi."
"Ayumi? Wala kaming kilalang Ayumi."
"Asawa ako ni Cloud! Papasukin niyo ba ako o hindi?!" iritableng sabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Papasukin ninyo." saad ng lalaking kakapasok lang.
'Uy! Gwapo nito ah.'
"Sure Leviton!"
'Sosyalen ang pangalan!'
"Kulit ninyo kasi! Sinabi ng pwede akong pumasok, eh."
Nakangisi ang mga ito kaya medyo kinabahan ako. Pagpasok ko sa loob mas marami ang tauhan nila. Nakatingin lang sila sakin na para akong isang specimen.
Mabilis akong umakyat sa kwarto namin ni Cloud. Pagbukas ko ng pintuan si Cloud may kahalikang babae. Halos hubo't hubad na silang dalawa. Natigil silang dalawa ng mapatingin sakin.
"Ayumi welcome home sweetie." nakangiting saad nito.
"Who is she?" maarteng sabi ng babae.
"Ahh ... ang aking taksil na asawa." walang emosyon na saad ni Cloud.
Kumunot ang noo ko. "Taksil na asawa? Ako pa ang taksil ikaw nga tong may kahalikan!" Binalingan ko ang babae. Nagtitimpi ako na huwag makasabunot at sampal."Miss umalis ka na bago pa ako mabwiset sayo!"
"Hindi siya aalis hangga't hindi ko sinasabi."
"Anong sinasabi mong hindi siya aalis?"
"Hindi siya aalis dahil may gagawin pa kami. Kung gusto mo ikaw ang umalis." mapaklang saad nito.
'Anong ako ang aalis? Gaguhan ba to?'
Lumapit ako sa kanila. Tinabig ko ang babae saka hinawakan sa kwelyo si Cloud. Hindi ito makatingin sakin ng maayos.
"Ano nangyayari sayo? Bakit ako ang kailangang umalis!? Bakit mo ginagawa ang bagay na to?"
"Wala kang pakialam Ayumi or should I say Astrid." Nanlaki ang mata ko. Hinawakan niya ako sa pulsuhan. Medyo mahigpit iyon. "Matagal mo na palang kilala si Mr. RichRoss pinagmukha mo akong tanga!"
"Hindi kita pinagmukhang tanga!"
"Hindi nga ba? Pinagtataksilan mo na pala ako dati hindi ko pa alam."
"Hindi kita pinagtaksilan!"
"Wow! Hindi nga ba? Kaya ba tumanggi ka sakin noon sa bakasyon natin dahil nagalaw ka ng lalaking yon?"
"Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Huwag ka ng magmaang-maangan Astrid! Ginagalit mo lang ako! Binayaran ka ba niya, ha!"
*PAK*
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Nasaktan ako sa paratang niya. Ganyan pala kababaw ang tingin niya sakin.
"Nagkamali nga yata ang pagpunta ko dito. sarkastikong sabi ko. "Iniisip ko baka kaya hindi kita nasilayan ng magising ako ay dahil sinisisi mo ang sarili mo.Yun pala nagpapakasaya ka sa mga ... tiningnan ko ang babaeng nasa sahig ... kaulayaw mo."
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Fiction généraleDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...