Chapter 31

120 5 3
                                    

LAMBERT'S POV

Naging bahay at opisina ko ang ospital para bantayan ang asawa ko. Kapag dumadalaw dito si Cloud lumalabas ako ng kwarto dahil kapag nakikita ko ang pagmumukha ng lalaki, gusto ko siyang ipalit kung saan nakahiga si Astrid.

Isang araw dumating ito binuklat ko ang tungkol sa mga anak ko.

"Kukunin ko sayo ang mga anak ko Mr. Matsumoto."

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Hindi ako papayag sa gusto mo Mr. RichRoss. Anong akala mo sa mga anak ko parang tuta na pwede ko nalang ipamigay? You do not own them. Ako na ang kinikilala nilang ama."

Nagtagis ang bagang ko. "Ikaw lang ang kinilala, pero dugo't laman ko ang mga bata. Baka nakakalimutan mo ang posisyon mo sa buhay ng pamilya ko? You pretend to be her husband. For what? Is it because Astrid looks like your late wife?"

Mabilis ako nitong inilang hakbang para suntukin pero bago pa nito magawa iyon naunahan ko na siya. Napaupo ito sa sahig.

"I am containing my anger towards you Mr. Matsumoto. I am still grateful because you saved my wife and gave her food, clothe and shelter. But, you will never have the right to own her. She will never be yours Mr. Matsumoto. Buried that to your mind. Isa pa, kaya kong makipagpatayan maibalik lang sakin ang asawa kong pinagdamot mong makilala ang sarili nitong pamilya!"

"Pinagkait? Sa limang taon na nasa poder ko si Ayumi! Walang pamilya niya ang naghanap sa kanya. Tapos ngayon susulpot kayo sa buhay namin? Hindi ako papayag na basta mo nalang agawin sakin ang pamilya ko Mr. RichRoss. Kayang kaya ko din makipagpatayan para hindi mawala sakin ang pamilya ko! Mark my word!"

matalim ang tingin na binigay nito sakin.

"I am not scared Mr. Matsumoto."

"Sure you aren't." mala-demonyo itong ngumisi bago umalis ng kwartong iyon.

'Bullshit!'

Tinawagan ko Lime para humingi ng payo para sa anak namin ni Astrid. Gusto kong ako ang kilalanin na ama ng mga ito. Pagdating sa mga legalities maaasahan ng pamilya ang abogado naming si Lime kahit pa sabihin na marami itong kalokohan sa buhay.

"Boss napatawag ka sa gwapong 'to?"

"Tch! I want legal custody with my children. How can we do that?"

"Bossing it is not legal to take away children from that bastard, it is parental kidnapping. Kahit paano may karapatan si Mr. Matsumoto sa mga bata lalo na siya ang kasama nila sa mahabang panahon. But, since you and Astrid are married and there is no court order of custody, hindi tayo mahihirapan. Before that bossing, kailangan natin i-file sa korte ang pangalan ng mga bata para sa 'do not depart list' para masiguradong hindi makakalabas ng bansa ang mga iyon. Pero, don't worry bossing ako na bahala sa issue na yan. Concentrate ka lang sa pagbabantay kay Miss."

"Aasahan ko ang magandang balita, Lime."

"Tsk! Magaling 'to boss."

Napangiwi ako sa paraan ng pagbubuhat nito ng sariling bangko. "Good!" yun lang bago ko ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako.

Sinulyapan kong muli ang asawa ko. Napangiti ako. Araw araw pumupunta si nanay Alicia dito para bigyan ng spongebath si Astrid at palitan ng damit. Walang palya din ang pagbisita ng mga kaibigan nito. Paminsan minsan tinatakas ni Chiaki ang mga bata para makasama namin.

Simula ng malaman ng mga anak namin na ako ang ama nila halos ayaw na nilang bumalik sa tahanan ng mga ito. Masarap sa pakiramdam na hindi ako nahirapang kunin ang loob ng mga bata.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon